MARCOS, CONGRESS LEADERS, CABINET, TUMAAS GOVERNANCE RATINGS — RPMD

TUMAAS ang governance ratings nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., House Speaker Faustino “Bojie” Dy III at Senate President Sherwin “Win” Gatchalian batay sa November 2026 Governance Survey ng RPMD Foundation Inc., katuwang ang iSTORYA! News at 1News.Ph.

Ayon sa survey, umakyat ng 1.9 puntos sa 57.0% ang Index of Governance (IOG) ni Marcos, na may 56.2% trust rating at 57.9% performance rating, kapwa lampas sa 55% passing benchmark.

Tumaas din ng 3.2 puntos sa 63.1% ang rating ni Dy, na nakapagtala ng 62.5% trust rating at 63.8% performance rating.

Samantala, umakyat naman ng 5.6 puntos sa 52.7% ang rating ni Gatchalian, na may 51.6% trust rating at 53.8% performance rating.

Sa 28 opisyal ng Gabinete at ehekutibo na sinuri, nanguna si Social Welfare Secretary Rex Gatchalian na may 89.0% rating.

Pumangalawa sina Cabinet Secretary Benhur Abalos na may 87.8% at Education Secretary Sonny Angara na may 87.5%.

Ikatlo sina Executive Secretary Ralph Recto (86.2%), Justice Secretary Fredderick Vida (85.8%), Interior Secretary Jonvic Remulla (85.5%) at Transportation Secretary Vince Dizon (85.0%).

Sumunod sina Conrado Estrella III (84.1%) at Francis Tolentino (83.9%), habang kabilang sa mga nakakuha ng mahigit 80% sina Francisco Tiu Laurel Jr. (82.6%), Anton Lagdameo Jr. (82.2%), Gilberto Teodoro (81.9%), Cristina Roque (81.1%), Kim Robert de Leon (80.7%), Renato Solidum (80.4%) at Frederick Go (80.1%).

Pawang pumasa sa survey ang 28 opisyal, habang 16 sa kanila ang nakakuha ng 80% pataas na rating.

Ayon kay Dr. Paul Martinez, Global Affairs and Political Analyst at Executive Director ng RPMD, itinuturing na estadistikong tabla ang mga opisyal na kabilang sa magkakaparehong ranking tier.

Binigyang-diin ni Martinez na mahalaga ang survey sa pagsukat ng tiwala ng publiko at pananagutan ng mga opisyal ng pamahalaan.

Isinagawa ang survey noong Nobyembre 2 hanggang 8 sa 10,000 respondent, na may ±1% margin of error at 95% confidence level.

Sinasalamin nito ang pananaw ng publiko sa pamumuno at pagganap ng mga opisyal matapos ang ikatlong quarter ng 2026 hanggang Nobyembre 8.

28

Related posts

Leave a Comment