MASIGLANG HOLIDAY CANVAS. Nagiging makulay na canvas ang iconic na Lopez Building sa pamamagitan ng 3D mapping magic.
Inaabangan taun-taon ng mga Pilipino ang pagsapit ng Kapaskuhan na panahon ng pagsasama ng pamilya at kaibigan, pagningning ng mga lungsod sa makukulay na ilaw, at pagkakaisa ng mga komunidad sa pagdiriwang.
At ngayong 2025, ipinagpapatuloy ng Manila Electric Company (Meralco) ang tradisyong nagbibigay-liwanag sa Pasko sa pamamagitan ng kampanyang nitong “Maliwanag ang Pasko.”
Sa ilalim ng temang “A Brighter Christmas for All,” layunin ng Meralco na maghatid ng saya, pag-asa, at pagkakaisa sa bawat Pilipino. Higit sa pagpapailaw sa mga kilalang lugar, isinusulong ng ng Meralco ang sustainability, pagpreserba ng kultura, at pag-angat ng komunidad — paalala na pinakamaliwanag ang Pasko kapag naibabahagi ang mga bagay na tunay na mahalaga.
SUSTAINABLE AT MAKUKULAY NA MGA DISPLAY. Tampok sa Liwanag Park ang iba’t ibang disenyong gawa mula sa repurposed materials, kabilang ang 45-ft na Christmas tree, mga tradisyunal na bahay na gawa sa copper wires, tunnels ng makukulay na LED lights na may mga pailaw na nakalagay sa lumang meter covers, at ang higanteng belen.
Pagpapatuloy ng Tradisyon
Sa pagpasok ng Disyembre, inimbitahan ng Meralco ang publiko na maranasan ang makukulay na ilaw at displays sa Liwanag Park na matatagpuan sa loob ng compound nito sa Ortigas, Pasig City. Bukas ang parke mula 6:00 PM hanggang 11:00 PM araw-araw hanggang Disyembre 23, at hanggang hatinggabi naman mula Disyembre 24 hanggang 31.
Tampok sa Liwanag Park ang mga disenyong sumasalamin sa nakaraan kagaya ng tradisyunal na tahanang Pilipino; makukulay na light tunnels na kahawig ng transmission lines at interactive Christmas trees na pinapailaw sa pamamagitan ng e-bike pedaling na nagpapakita ng kasalukuyan; at ng hinaharap na naipapakita sa pamamagitan ng maliwanag na hardin at mga daan na kumikislap sa bawat hakbang.
Bahagi din nito ang pagsusulong ng sustainability kaya gumamit ang Meralco ng recycled at repurposed materials para sa mga pailaw at disenyo sa Liwanag Park gaya ng LED lights na nakalagay sa lumang meter covers at isang higanteng belen na gawa sa copper wires.
Ngayong taon, masasaksihan din ng mga bisita ng parke ang 3D mapping light show na ipinapakita sa iconic na Lopez Building sa tulong ng Panasonic.
Tampok din sa Liwanag Park ang tranvia ride na nagbibigay alaala ng kasaysayan ng Meralco at maaari din silang mag-enjoy sa mga lokal na pagkain tulad ng puto bumbong at bibingka sa tiangge at food bazaar sa loob.
MERALCO NAGBIGAY-LIWANAG SA PLAZA ROMA SA INTRAMUROS. Tampok sa seasonal attraction ang mga sustainable at energy-efficient na likhang sining, kabilang ang 20-paa na Christmas tree na gawa sa recycled meter covers at steel crossarms, pinailawan ng LED bulbs.
Pailaw sa Intramuros
Pinailawan din ng Meralco ang makasaysayang Intramuros sa pamamagitan ng Liwanag Park sa Plaza Roma, katuwang ang One Meralco Foundation (OMF) at Intramuros Administration. Bukas ito hanggang Enero 4, 2026, mula 6:00 PM hanggang 11:00 PM.
Tampok dito ang pagsasanib ng tradisyon at inobasyon, na nagbibigay ng masayang karanasan habang ipinagdiriwang ang kulturang Pilipino at pangangalaga sa kalikasan.
Sentro ng atraksyon ay ang isang 20-foot Christmas tree na gawa sa recycled meter covers at steel cross-arms na pinailawan ng energy-efficient LED bulbs, at isang tranvia replica mula sa recycled wood bilang paggunita sa kasaysayan ng Meralco sa Intramuros.
PAGPAPALAGANAP NG HOLIDAY CHEER. Naghatid ng saya ang Meralco, sa pamamagitan ng One Meralco Foundation (OMF), sa lalawigan ng Batangas sa pag-iilaw ng façade ng makasaysayang Metropolitan Cathedral of San Sebastian sa Lipa City.
Pagpapalaganap ng Liwanag sa Batangas
Bilang karagdagan, naghatid din ng saya ang Meralco sa Lipa, Batangas sa pamamagitan ng OMF.
Nakipagtulungan ang foundation sa Archdiocese of Lipa para pagandahin ang Metropolitan Cathedral of San Sebastian at magbigay ng solar streetlamps sa mga parokya bilang bahagi ng community electrification — patunay ng pangako ng Meralco sa energy access, kaligtasan, at pag-angat ng komunidad.
Namahagi rin ng solar lights at Noche Buena packages sa mga pamilyang nangangailangan sa pangunguna nina Meralco COO Engr. Ronnie L. Aperocho, Lipa Archbishop Gilbert Garcera, at mga opisyal ng Meralco at OMF.
Ngayong taon, ang “Maliwanag ang Pasko” ay higit pa sa pag-iilaw. Ito ay pagdiriwang ng tibay, kabutihan, at pagkakaisa ng mga Pilipino. Sa pamamagitan ng magagandang espasyo, sustainable creations, at makabuluhang community programs, ipinapaalala ng Meralco na ang pinakamagandang regalo ay ang mas maliwanag na kinabukasan para sa lahat.
157



