NAPAGKASUNDUAN ng mga alkalde ng Kalakhang Maynila na suportahan ang unti-unting pagbubukas ng negosyo sa Kalakhang Maynila.
Sa virtual press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos Jr., na isa ito sa kanyang idiniga sa kanilang pulong sa mga bumubuo ng Inter-Agency Task Force (IATF) kahapon.
Partikular na sinuportahan ng mga alkalde, ani Abalos ay ang rekomendasyon ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Tourism (DoT).
‘Kamukha po ng dati na kanilang pananaw na slowly but surely sa negosyo po. more business activities, taasan ang capacity pero dahan-dahan. Iyan po ang napag-usapan ng mga Alkalde,” aniya pa rin.
Minabuti rin aniya ng mga alkalde na manatili o status quo ang curfew hours.
Samantala, sang-ayon din ang mga alkalde na ang opening ng simbahan o religius gatherings ay abot ng 50%.
