‘BARRIER’ BINAKLAS; PASAWAY MULING NALIGO SA MANILA BAY

manila

MATAPOS bakuran ang baywalk para maiwasang maligo ang mga tao sa nililinis na Manila Bay, muli na namang dinagsa ang makasaysayang look matapos alisin ang barrier ilang araw lamang matapos itong itayo ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Dahil dito, muling magkakaroon ng bagong barrier at muli itong ikakabit sa seawall upang matiyak na walang makaliligong publiko sa dagat. Gayunman, maaarin namang tumambay ang publiko sa baywalk para matanaw ang sunset na isa sa mga dinarayo maging ng mga turista sa lugar.

Ilang bahagi ng baywalk kung saan hindi na abot ang dagat ay mayroon pa ring bakod. Sinabi ng DENR na gumaganda na ang kalidad ng tubig sa Manila Bay mula nang matanggal ang toneladang basura subalit hindi pa ito maaaring paliguan dahil mataas pa rin ang fecal coliform na lubhang delikado sa mga magsisipagligo.

Aabutin umano ng maraming taon at tinataya sa P47 bilyon ang gugugulin dito base sa pagtataya ng mga eksperto.

155

Related posts

Leave a Comment