EMPLEYADO NG LRTA HULI SA PANUNUHOL SA PULIS

lrta1

(NI ALAIN AJERO)

SWAK sa selda ang isang warehouse officer ng Light Rail Transit (LRTA) nang tangkaing suhuluan ang isang pulis na humuli sa kasama nitong driver kahapon ng madaling araw sa Navotas City.

Hindi na halos maiharap ang mukha dahil sa kahihiyan ng inarestong suspek na si Pepito Aranzaso, 49, ng Brgy. Bagumbayan South.

Alas-2:40 ng madaling araw, nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 2 sa kahabaan ng Gov. A. Pascual St Brgy. San Roque nang parahin ni SPO4 Jose Elizalde Oriendo ang isang itim na Honda Click150 na minamaneho ng isang Ronald Dizon at back rider nitong si Aranzaso.

Walang naipakitang driver’s license si Dizon na naging dahilan upang pumagitna si Aranzaso at nagpakilala bilang opisyal ng LRTA saka tinangkang suhulan ang pulis ng P100.

Hindi ito tinanggap ng pulis at sa halip inaresto nito si Aranzaso bago sinampahan ng kasong Corruption of Public Official sa Navotas City Prosecutor’s Office.

 

 

 

 

SWAK sa selda ang isang warehouse officer ng Light Rail Transit (LRTA) nang tangkaing suhuluan ang isang pulis na humuli sa kasama nitong driver kahapon ng madaling araw sa navotas city.

Hindi na halos maiharap ang mukha dahil sa kahihiyan ng inarestong suspek na si Pepito Aranzaso, 49 ng Brgy. Bagumbayan South.

Alas-2:40 ng madaling araw, nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 2 sa kahabaan ng Gov. A. Pascual St Brgy. San Roque nang parahin ni SPO4 Jose Elizalde Oriendo ang isang itim na Honda Click150 na minamaneho ng isang Ronald Dizon at back rider nitong si Aranzaso.

Walang naipakitang driver’s license si Dizon na naging dahilan upang pumagitna si Aranzaso at nagpakilala bilang opisyal ng LRTA saka tinangkang suhulan ang pulis ng P100.

Hindi ito tinanggap ng pulis at sa halip inaresto nito si Aranzaso bago sinampahan ng kasong Corruption of Public Official sa Navotas City Prosecutor’s Office.

 

 

 

 

85

Related posts

Leave a Comment