NBI NAGBABALA SA TATAKBO GAMIT POGO FUNDS

NAGBABALA si National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago sa mga kakandidato sa 2025 midterm elections na gagamit ng pondong galing sa illegal sources gaya ng POGO.

Sa kanyang pagharap sa MACHRA Balitaan forum ng Manila City Hall Reporters’ Association, sinabi ni Santiago na mananagot ang sinomang kandidato na mapatutunayang tumanggap o gumamit ng pondo mula sa illegally-sourced funds tulad ng POGO.

Nanindigan si Santiago na walang sasantuhin ang kanyang babala.

“Mag-ingat po sila… wala kaming sasantuhin kahit na sino pa ‘yan,” pahayag ng NBI chief.

“Basta galing sa ilegal, eh bawal po ‘yan,” dagdag pa ni Santiago.

Ipinaliwanag ng retired judge na ang illegal funds ay hindi nangangahulugan na sa POGO lamang magmumula. Ito ay maaari ring magmula sa drug trade, prostitution, illegal gambling at iba pa. (JESSE KABEL RUIZ)

28

Related posts

Leave a Comment