NCRPO NASA FULL ALERT SA SEMANA SANTA

ncrpo12

(NI DAVE MEDINA)

ILALAGAY SA full alert ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Major General Guillermo Eleazar ang lahat ng pulis sa Kalakhang Maynila sa panahon ng Semana Santa.

Ayon kay Eleazar, kasalukuyang nasa heightened alert status ngayon ang NCRPO Philippine National Police (NCPO-PNP) at gagawing full alert sa Mahal na Araw hindi dahil may nagbabantang panganib kundi dahil  inaasahan nilang ang mga terminal ng bus at iba pang lugar hintayan ay mapupuno ng mga taong uuwi ng probinsya kaya kailangan ang dagdag na proteksyon sa ating mga kababayan.

“Nakalatag na po ang ating security coverage na ating pinaiiral. Itong kasagsagan ng Semana Santa lalo na sa magdadagsaan ng pag-uwi sa mga probinsiya. Inaasahan natin na itong pagdagsa sa mga probinsiya, mapupuno ang mga places of convergence, in particular ang mga transportation terminal, itong mga bus stations, LRT and MRT stations, train stations, airports and seaports,” sabi ni Eleazar .

Maglalagay din aniya sila ng assistance desk para tumulong sa mga motorista at sa mga commuters sa mga istratehikong lugar sa kalakhang Maynila.

Pangangalagaan din umano ng mga elemento ng NCRPO maging ang mga simbahang palagiang pinupuntahan ng mga debotong Katoliko.

170

Related posts

Leave a Comment