HINIMOK ng Sangguniang Panglunsod ng Quezon City ang mga opisyal ng 142 barangay at homeowners associations na bigyan ng prayoridad ang seniors citizens at persons with disabilities (PWDs) sa paggamit ng mga covered-court na proyekto ng administrasyon ni Mayor Herbert Bautista.
Ang kahilingan ng Sanggunian ay nakasaad sa City Resolution 7487-2018 na nanawagan sa mga opisyal ng barangay at homeowners associations na ipagamit sa senior citizens at PWDs ang covered courts at iba pang lugar sa Quezon City na paggamitan nila ng kanilang mga aktibidad mula 5:00 a.m. hanggang 7:00 a.m., Lunes hanggang Biyernes nang walang bayad.
“Napakahalaga na magkaroon ng converging area para sa mga senior citizens at PWDs dahil may mga barangay dito sa ating lungsod na salat sa mga areas na pagdarausan. Sa amin sa Barangay Tatalon hindi kami nakakagamit ng facilities ng barangay hall kaya sa kalsada kami nagpupulong at nagdaraos ng physical fitness activities,” pahayag ni QC Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA) personnel officer Erlinda Bañego.
Ang resolusyon ay para sa kagalingan ng senior citizens alinsunod sa Republic Act No. 7432 o ang Senior Citizen Law at ng Republic Act No. 7277 o ng Magna Carta for Disabled Persons.
Umaasa ang mga konsehal na pakikianggan at ipatutupad ang kanilang kahilingan.
159