NASILO ng mga operatiba ng District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) ng Manila Police District, ang isang 38-anyos na lalaking matagal nang wanted sa batas sa kasong murder, nang matunton ito sa Meycuayan, Bulacan.
Kinilala ni MPD District Director, Brigadier General Bonifacio Guzman ang suspek na si alyas “Ison”, tubong Bicol, warehouse staff, at residente ng Guiguinto, Bulacan.
Ayon kay Police Major Kevin Rey Bautista, hepe ng DPIOU, na pinangasiwaan ni Police Lieutenant Colonel John Guiagui, chief ng District Intelligence Division (DID), nagsagawa ng “Oplan Pagtugis” ang mga tauhan ng DPIOU, makaraang inguso ng impormante na naglulungga ang suspek sa Lim She Ling Avenue sa Meycuayan, Bulacan
Nabatid sa ulat ng pulisya, ang suspek ay top 1 most wanted person sa District Level dahil sa pagkakasangkot sa pagpatay sa Maynila.
Si alyas “Ison”, na kabilang sa tatlong suspek sa pagpatay sa biktima, ay nabitag sa isinagawang Intelligence Driven Oplan Pagtugis.
(RENE CRISOSTOMO)
