MUSLIM COMMUNITY, SECTORAL GROUP KAISA NG AKO-OFW PARTY-LIST

NAGPAHAYAG ng suporta sa AKO-OFW Party-list ang mga kapatid na Muslim at sectoral group na nagmula sa Quiapo Manila.

Ito’y kasunod ng paglagda sa Pledge of commitment kasama ang 116 AKO-OFW Party-list ng iba’t ibang samahan na kinabibilangan ng 23 organisasyon kasama ang Overseas Filipino Workers and Traders Organization, Boses ng Manileño Federation of Sectoral Organization, Xi Kappa Sigma Fraternity and Sorority, Maranao Iranon Group, Manila District 5 Islamic Association, Manila District 6 Senior Citizen Organization at Organization of Muslim and Christian for Peace and Development.

Sa naturang paglagda, nakasaad ang mga adbokasiya ng AKO-OFW na malaki ang maitutulong lalo na sa mga kababayang Muslim.

Ayon kay 1st nominee at AKO-OFW chairman Dr. Chie Umandap, malaking bahagi ng overseas Filipino workers ang mga kapatid na muslim na nababalitaan natin na laging niloloko at pinababayaan ng kanilang mga recruiter dahil na rin sa kanilang estado sa buhay at kaalaman sa proseso ng pagtatrabaho abroad.

Dito, sinabi ni Dr. Umandap ang kahalagahan ng pagkapanalo ng AKO-OFW dahil ang layunin ng naturang partido ay ma-proteksyunan ang mga Pilipino sa mga abusadong recruiter na walang ginawa kung hindi perahan ang mga ito.

Bukod pa rito, ipinaliwanag ni Dr. Umandap ang ilan pang mga batas na nais nilang isulong kung saan ilan dito ay kanila nang inumpisahan.

Dahil dito, nagpahayag naman ng buong tiwala ang Muslim community na pinangunahan ni Ustadz Caram Sultan ng Madaris Ulama Council of the Philippines na masasandalan nila ang AKO-OFW sa oras ng pangangailangan, trabaho man o kapag may nais silang hilingin sa AKO-OFW.

Nagpasalamat naman ang buong kampo ng AKO-OFW Party-list sa walang sawang suporta na kanilang natatanggap.

10

Related posts

Leave a Comment