CAVITE – Nagbigti ang isang 74-anyos na Koreano makaraan ang kanilang pagtatalo ng kanyang anak sa kanilang bahay sa Dasmariñas City, noong Huwebes ng gabi.
Kinilala ang biktimang si alyas “Lim”, tubong Shung Ju, South Korea at residente ng Brgy. Burol Main, Dasmariñas City.
Ayon sa salaysay ng kanyang anak na si alyas “Chul”, 16, bago ang insidente nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo ng kanyang ama
sa kanilang bahay.
Upang ‘di na humaba pa ang kanilang pagtatalo, umalis ang binatilyo at tinawag ang kanyang “ina” na live-in partner ng biktima upang humingi ng tulong sa kanilang barangay.
Pagbalik nila sa kanilang bahay ay bumulaga sa kanila ang biktimang nakabigti na gamit ang isang kumot.
(SIGFRED ADSUARA)
