BUNSOD ng tampuhan na umabot pa sa social media, isang 26-anyos na saleslady ang umano’y nagbigti sa inuupahang silid sa Brgy. 18, Tondo, Manila noong Huwebes ng gabi.
Kinilala ang biktimang si Christine, tubong San Juan Batangas, dalaga, naninirahan sa nabanggit na lugar.
Batay sa ulat ni Det. Jansen Rey San Pedro ng Manila Police District -Homicide Section, bandang alas-6:00 ng gabi nang madiskubre ng kinakasama nitong tomboy ang nakabigting biktima sa kisame ng inuupahan nilang silid sa ikalimang palapag.
Ayon sa karelasyong tomboy, ilang beses siyang kumatok sa silid ngunit hindi nagbubukas ng pinto ang biktima kaya minabuti niyang umakyat sa kisame ng banyo at mula roon ay nakita niya ang nakabigting si Aranas.
(RENE CRISOSTOMO)
