APRIL 10 DEKLARADONG REGULAR HOLIDAY

MAKAPAG-E-ENJOY ng long holiday sa pagdiriwang ng Mahal na Araw ng mga Katolikong Pilipino matapos ideklara ng Palasyo ng Malakanyang ang mga araw ng Abril 6-7, 2023 bilang mga opisyal na holiday sa bansa.

Layon nito na mabigyan ng pagkakataon ang mga Katolikong Pilipino na magnilay-nilay alinsunod sa pagdiriwang ng Mahal na Araw.

Bukod dito, idineklara rin ng Malakanyang na regular holiday ang Abril 10, Lunes, bilang Araw ng Kagitingan.

“Pursuant to Proclamation No. 90, s. 2022, Malacañang declares April 6,7, and 10 of the year 2023 a regular holiday in observance of the Holy Week (April 6-9) and the Day of Valor (April 10),” ang makikita sa post ng Official Gazette ng Malakanyang.

“Gamitin natin ang pagkakataong ito upang makapagbigay ng oras sa ating mga mahal sa buhay habang responsable tayo sa pagsunod sa mga health at safety protocols. Nawa’y maging mapayapa at makabuluhan ang panahong ito para sa lahat,” ayon pa rin sa Malakanyang. (CHRISTIAN DALE)

952

Related posts

Leave a Comment