BILANG NG MAY DENGUE TUMATAAS

dengue1

(NI DAHLIA ANIN)

DENGUE alert!

Nagbabala sa publiko ang Department of Health (DoH) dahil sa tumataas na bilang ng nagkakaroon ng dengue.

Ayon sa panayam kay Health Undersecretary Eric Domingo, umabot na sa 40,000 ang bilang ng mga nagka-dengue sa buong bansa mula Enero hanggang unang Linggo ng Marso ngayong taon.

Dagdag pa ng opisyal, binibigyan ng babala ang lahat lalo na ang mga residente ng Metro Manila na apektado ng water shortage dahil ang pinag-iimbakan nila ng tubig ay maaring pamahayan ng lamok.

Nagpaalala rin si Health Secretary Francisco Duque na hangga’t maaari ay takpan nila ang kanilang imbakan ng tubig o kaya lagyan ng plastic ang mga lalagyan para hindi pamahayan ng lamok na may dengue.

Ang dengue ay sakit na nakukuha mula sa kagat ng lamok na nagsasanhi ng simpleng lagnat hanggang sa ito ay lumala. Ang virus na ito ay naililipat sa tao mula sa Aedes Aegypti na lamok.

Ayon sa World Health Organization (WHO) ang sintomas ng dengue ay mataas na lagnat, sobrang sakit ng ulo, pagsakit malapit sa mata,  nausea, pagsusuka, pagkahilo, pagsakit ng buong katawan at rashes.

135

Related posts

Leave a Comment