BRGY. OFFICIALS PINAKIKILOS LABAN SA ASF

(NI NOEL ABUEL)

DAPAT na kumilos ang lahat ng barangay officials sa bansa para magbantay sa pagkalat ng African Swine Fever (ASF) sa kanilang nasasakupan.

Ito ang panawagan ni Senador Nancy Binay kasabay ng pagsasabing mas madali para sa mga hog raisers na magtiwala sa mga barangay officials at magsabi kung ano ang tunay na kalagayan ng mga alagang baboy ng mga ito.

“Tulungan natin ang mga maliliit na backyard hog raisers na muling makabangon. It was already hard for them to see their pigs die and culled. Barangay officials can help contain ASF by encouraging them to adapt biosecurity practices in every stage of swine raising,” sabi nito.

“’Yung biosecurity ay malaking challenge na sa mga nag-aalaga ng baboy. Ipaunawa natin sa kanila kung gaano ito kahalaga. Barangay officials can encourage backyard raisers to notify them or representatives of the LGU or DA to report if there’s something wrong with their pigs,” sabi pa ni Binay.

Sinabi pa nito na madaling matutukoy kung may sakit ang mga alagang baboy ng mga hog raisers sa tulong ng municipal o city veterinarians at ng Department of Agriculture (DA).

“Nananawagan ako sa mga barangay workers natin, kayo na po ang lumapit sa mga hog raisers natin, lalo na sa mga backyard raisers, lalo pa’t undermanned ang mga local agricultural offices natin,” giit ng senador.

 

438

Related posts

Leave a Comment