(NI HARVEY PEREZ)
DISMAYADO ang Commission on Elections (Comelec) sa mataas na insidente ng vote buying activities nang magsimula ang campaign period para sa national and local elections.
Ayon kay Comelec Education and Information director Frances Arabe marami ang naghahain ng mga reklamo pero wala naman umaong nahahatulan dito.
Sinabi ng opisyal na ilang lugar sa bansa na binibili ang boto ng mga botante sa halagang P20 lamang.
Habang ilan naman umano ay aabot ng hanggang P15,000 ang binabayad sa mga botante kapalit ang kanilang boto sa nalalapit na halalan.
Sa kabila nito, sinabi ni Arabe na todo-kayod ang ginagawa ng pulisya para habulin hindi lamang ang mga namimili ng boto kundi maging ang mga nagbebenta rin ng kanilang boto sa mga kandidato.
Hinikayat naman ni Arabe sa mga botante na bumoto ayon sa kanilang konsensya at hindi dahil sa pera.
138