IBINUKING NI PING: TINANGGIHAN KO ANG PROJECT NI REP. CASTRO

(NI NOEL ABUEL)

NANINIWALA si Senador Panfilo Lacson na posibleng nagtanim ng sama ng loob sa kanya si Capiz Rep. Fresnedil Castro nang hindi nito harapin ang huli nang magtungo sa Senado para umano’y mag-lobby ng proyekto.

Ayon sa senador, noong Agosto o Setyembre ng kasalukuyang taon nang sabihin ng staff nito na dumating sa opisina nito si Castro base sa visitor’s slip na nakita nito sa kanyang papeles.

“He was trying to have an audience with me before this came out. And hindi ko hinarap. Ito, ngayon, nariyan, nakakita ako ng visitor’s slip. Cong. Fred Castro would like to visit. Tinanong ko staff ko. Mukhang meron siyang gustong i-lobby na project,” aniya.

Giit nito, wala itong dahilan para kausapin si Castro at ayaw nitong makipagplastikan pa kahit kanino.

Ito marahil ang dahilan kung bakit binabatikos si Lacson ng ilang kongresista sa Kamara.

“Long before that. Hindi ko siya nakausap kasi hindi ko siya kinausap. What for? In 2018 he kept hitting me not only on the issue of pork, pati sa federalism. “Malumanay ‘yan na magsalita na masakit. Bakit ko siya haharapin, di pa siya nag-make amends sa mga atraso niya sa akin last year. Hindi ako makikipagplastikan sa kanya, hindi ko nature na ‘O Congressman’ parang walang nangyari, di ako ganoon. So I chose not to talk to him. And then when this thing came out I asked my staff parang merong ano ah, ‘Oo Sir meron ata ila-lobby na project,’” paliwanag pa nito.

Samantala, tulad ng kaso ni Castro, wala rin umano itong planong kausapin pa sina Manila Rep. Benny Abante at Anakalusugan Rep. Michael Defensor dahil sa usapin ng pork barrel.

 

100

Related posts

Leave a Comment