(NI BETH JULIAN)
NASA kamay ng Kongreso ang kapalaran ng ABS CBN.
Ito ang pagtiyak ng Malacanang kasunod ng nakatakdang pag-eexpire ng prangkisa nito sa March 20, 2020.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, hindi haharangin o ibi-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang franchise renewal ng ABS-CBN kapag nakalusot na sa Kongreso ang panukalang batas.
Una rito, binabatikos ni Duterte ang ABS-CBN dahil sa hindi patas na pagbabalita at hindi pag-eere ng kanyang political advertisement noong 2016 presidential elections kahit bayad na.
“Never ko pa narinig kay Presidente na sinabi niya categorically na ‘hindi ko ie-extend ng franchise.’ Alam ko sinasabi niya lang ‘yung sama ng loob niya during 2016 elections, na naglagay siya ng pera hindi lumabas yung advertisements. Doon siya nagagalit,” ayon pa sa kalihim.
427