MANGINGISDA SA RECTO BANK BABANTAYAN NG COAST GUARD

coast guard12

(NI DAHLIA ANIN)

IDE-DEPLOY na ng bansa ang ilang tauhan ng Philippine Coast Guard sa Recto (Reed) Bank, kasunod ng pagkakalubog ng isang bangka ng mga mangingisda, ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol.

Sa panayam kay Piñol, sinabi nito na ang paglalagay ng nga Coast Guard vessel sa Reed Bank ay isa sa sagot ng gobyerno hinggil sa insidente. Nasa proseso na umano ng paglalagay ng mga transponders sa lahat ng fishing vessels na nasa ilalim ng vessel monitoring system na ipatutupad ng Department of Agriculture. Kung kailangan ng escort ng mga mangingisda ay sasamahan sila pabalik sa lugar.

Sinabi rin niyang nais ng gobyerno na bigyan ng liwanag ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua ang nangyaring banggaan at pag-iwan umano ng isang Chinese fishing vessel sa mga Pilipinong mangingisda noong Hunyo 9 sa Recto Bank malapit sa West Philippine Sea.

“I think it was agreed by the cluster that the Chinese ambassadors should be summoned, invited or whichever word is more appropriate, to officially shed light on the incident,” ayon kay Piñol

Nauna nang nag-file ng diplomatic protest ang bansa laban sa Beijing dahil sa pag-abandona sa mga mangingisda sa open sea.

Ayon naman kay Pangulong Duterte, ang pangyayaring ito ay isa lamang maritime incident.

Nauna ng pinabulaanan ng Chinese Embassy sa Maynila ang insidente sa Reed Bank.

Sinabi rin ng Embahada na ninais daw ng Chinese captain na iligtas ang mga mangingisda ngunit natakot na baka kuyugin sila ng ibang Pinoy sa fishing boats.

 

127

Related posts

Leave a Comment