PAGBUBUKAS NG KLASE, HAHARANGIN NG SENADO

INAPRUBAHAN na ng Senado sa pangatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na nagbibigay ng awtoridad kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban ang pagbubukas ng klase na dapat ay sa buwan ng Agosto.

Sinabi ni Senador Win Gatchalian, co-author at sponsor ng Senate Bill No. 1541, na nagawang maihabol ng Senado ang panukala bago ang sine die adjournment ng Kongreso.

Aniya, sa oras na maipasa at maging batas ang panukala bago ang pagbubukas ng klase, magkakaroon ang Department of Education (DepEd) at si Pangulong Duterte ng sapat na panahon para pag-usapan ang simula ng school year sa gitna ng mataas na kaso ng COVID-19 at mawala ang panganib sa kaligtasan ng mga guro at estudyante.

“By amending Section 3 of Republic Act (RA) 7797 or “An Act to Lengthen the School Calendar from Two Hundred (200) Days to Not More Than Two Hundred Twenty (220) Class Days,” Senate Bill No. 1541 authorizes the President, upon the recommendation of the Secretary of Education, to move the start of the school year during a state of emergency or calamity. SBN 1541 covers all basic education institutions, including foreign or international schools,” sabi ni Gatchalian.

Sa ilalim ng RA 7797, ang simula ng school year mula sa unang Lunes ng Hunyo at matatapos ng Agosto. “The immediate effect of this legislation would be to empower the President to move the start of the School Year 2020-2021 to September or even later in the event that public health authorities would recommend the postponement of the school year in order to contain the spread of COVID-19,” sabi pa ni Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

“Natutuwa po ako at nakapasa na sa Senado ang panukalang batas na ito. Mahalaga ang pagpasok sa eskuwelahan ng mga bata, pero higit na mahalaga ang kanilang kaligtasan at kalusugan. Kaya bigyan po natin ng pagpapasya ang Pangulo ng Pilipinas at ang Kalihim ng Edukasyon upang baguhin ang petsa ng pasukan sa panahon ng pandemya habang walang kasiguraduhan sa kaligtasan at kalusugan ng kabataang Pilipino,” dagdag pa nito. NOEL ABUEL

217

Related posts

Leave a Comment