UNEMPLOYMENT RATE BUMABA SA 5.1 PERCENT

tambay32

(NI JESSE KABEL)

APAT na puntos ang ibinaba sa bilang ng mga Filipino na walang trabaho nitong nakalipas na buwan, ayon sa inilabas na datos ng Philippine Statistic Authority nitong Martes.

Sa ginanap na pulong balitaan, inihayag ng PSA na bumaba sa 5.1-percent ang unemployment rate sa Pilipinas nitong nakalipas na buwan ng Abril  mula sa nakatalang 5.5-percent noong Marso.

Bunga nito, nasa 94.9-percent ang employment rate ngayon ng bansa mula sa 94.5-percent noong Abril ng 2018.

Ayon kay Claire Dennis Mapa, National Statistician, katumbas ito ng 74,000 Pinoy na  walang trabaho sa naturang buwan.

Pinakamarami sa mga ito ang kalalakihan sa 62.7-percent, na sinundan ng mga kabataan at fresh graduates sa kolehiyo.

Lumilitaw naman sa hawak na datos ng PSA , pinaka-maraming walang trabaho ang naitala sa Bangsamoro region, NCR, Ilocos region at Bicol region.

Samantala, nabawasan din ang bilang ng mga Pinoy na underemployed o may trabaho pero hindi match sa kanilang skills ang ginagawa sa workplace o naghahanap pa ng panibagong trabaho.

Mula 17-percent noong Abril 2018, bumaba sa 13.5-percent ang underemployment rate sa parehong buwan ngayong taon.

Lumitaw din sa Labor Force Survey na 1.2-milyong Pilipino ang unemployed.

“Underemployed persons who work for less than 40 hours in a week are called visibly underemployed persons. They accounted for 60.0 percent of the total underemployed in April 2019 and 52.6 percent in April 2018” ayon pa sa PSA.

 

75

Related posts

Leave a Comment