NAT’L COMMISSION OF SENIOR CITIZENS ACT, MALAPIT NANG MAISABATAS

Senior Citizens-4

(Ni BETH JULIAN)

Asahan na anumang araw ngayon ay maisasabatas na ang National Commission of Senior Citizens.

Ito ay matapos kumpirmahin na naisumite na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing panukala.

Sa ilalim ng nasabing komisyon na lagda na lamang ng Pangulo ang kailangan, ito ang mangungunang government agency na inaatasang tumutok sa pagbuo at paggawa ng mga polisiya, plano, at programa para sa kapakanan ng mga senior citizen sa bansa.

Tumatayong may akda ng nasabing panukala ay si Senior Citizen partylist Rep. Francisco Datol Jr.

167

Related posts

Leave a Comment