Bilang post-COVID-19 growth areas FARM AT ECO-TOURISM PAUNLARIN

HINILING ni Senador Cynthia Villar sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan kabilang ang local government units na gumawa ng estratehiya upang umunlad ang farm tourism at eco-tourism na posibleng maging growth areas pagkatapos ng pandemya ng corona virus 2019 (COVID-19).

Sa pahayag, sinabi ni Villar na may ilang aktibidad at paglalakbay na may kinalaman sa agrikultura at kalikasan ang maaaring maging growth areas na magbibigay sigla sa panunumbalik ng turismo, isa sa sektor na lubhang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

“We all know that the ongoing lockdowns all over the country and the world has really hit the travel and tourism sector hard. All the industries related to it, especially hotels and airlines, are really reeling until now. Increased interest and popularity of farm tourism and eco-tourism will provide the much-needed impetus to the sector,” ayon kay  Villar, chair ng Senate Committees on Agriculture at Environment.

“After being locked down for months, people are longing to get reconnected to nature. Filipinos have also turned to gardening and growing their food. They can continue to do or pursue those interests and experiences when they visit a farm or a natural tourist attraction when things go back to normal or when quarantine eases,” dagdag pa nito.

Hinikayat din ng senadora ang Department of Agriculture (DA) and Department of Environment and Natural Resources (DENR) na makipagtulungan sa Department of Tourism (DoT), local government units (LGUs) o tourism boards at associations upang makabuo ng istratehiya at support mechanism sa mga negosyo at entrepreneur na nasa farm tourism at eco-tourism.

Ayon sa mga travel expert, naging ‘in-demand’ ang mga destinasyon sa natural surroundings. Ang eco-tourism at agri-tourism – kung saan pinagsama ang pagsasaka at kalikasan – ay magpapalakas sa turismo sa ilalim ng new normal.

Bukod sa mga negosyo, ang lokal na komunidad, kabilang ang mga magsasaka at mangingisda, ang pinakamalaking makikinabang sa travel trend na ito.

Ayon kay Villar, primary author at sponsor ng Republic Act No. 10816 o ang Farm Tourism Development Act of 2016, na may legislative framework ito at kailangan lamang ng industry players ang suporta at gabay mula sa pamahalaan sa kanilang pagkilos sa bagong normal set up.

Dahil sa bagong batas na ito, dumarami ang bilang ng mga magsasaka, may-ari ng mga sakahan at farming communities na ma-enjoy ang mga benepisyo nang gawing farm tourism site ang kanilang bukid. (ESTONG REYES)

100

Related posts

Leave a Comment