INDONESIAN NATIONAL ARESTADO SA HUMAN TRAFFICKING

INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Indonesian national dahil sa pagkakasangkot sa human trafficking sa Jakarta.

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang pugante na si Aris Wahyudi alyas “Romeo”, 43, nadakip sa Salcedo Street, Legaspi Village, Makati City, ng mga miyembro ng BI Fugitive Search Unit (FSU).

Ayon sa BI, nag-isyu ng mission order si Tansingco laban sa dayuhan nang makatanggap ng impormasyon mula sa gobyerno ng Indonesia na hinihiling ang deportasyon nito upang harapin sa kanilang bansa ang kasong human trafficking.

Sinasabing si Wahyudi ay nag-o-operate ng isang sindikato ng human trafficking na ilegal na nagre-recruit ng mga Indian national na gustong magtrabaho sa Cambodia nang walang tamang work permit.

“As a foreigner accused of human trafficking, his presence here poses a serious risk to our poor countrymen who might also fall prey to his illegal scheme,” ayon sa BI chief.

Dagdag pa ni Tansingco, maituturing na rin bilang ‘undesirable’ ang dayuhan dahil paso na ang pasaporte nito noong pang Agosto 2023.

(JOCELYN DOMENDEN)

104

Related posts

Leave a Comment