JOINT MARITIME PATROL SA SCS NG PH AT AUSTRALIA POSIBLE

POSIBLENG magkaroon ng joint maritime patrols sa South China Sea sa pagitan ng Australia at Pilipinas.

“I think there will be conversations about that. I’m not in a position to say a definite yes right now. But the cooperation between two military forces [is] very close already,” ayon kay Australian Ambassador to the Philippines Hae Kyong Yu sa isang panayam.

Ani Yu, ang defense cooperation sa pagitan ng dalawang bansa ay malalim at matagal na tinukoy ang naging partisipasyon ng Pilipinas sa Enhanced Defense Cooperation Program ng Australia.
Ayon sa embahada ng Canberra sa Maynila, nakipagpulong ang mga Australian defense official sa kanilang local counterparts para maging kabahagi ng joint military drills na magpapataas sa tiwala at kumpiyansa sa hanay ng defense forces na “may have to work together in global and regional contingencies, such as peacekeeping or disaster relief.”

Binanggit din ni Yu ang pagkakaugnay ng Pilipinas sa annual Indo-Pacific Endeavor, flagship regional engagement activity ng Australia na naglalayong palakasin ang partnership, partikular na sa Southeast Asia.

Maraming bansa naman ang sumuporta sa Pilipinas sa gitna ng kamakailan lamang na naging aksyon ng China sa West Philippine Sea, lalo na ang paggamit ng Beijing’ ng military-grade laser laban sa tropa ng Pilipinas sa  Ayungin Shoal.

Nanawagan naman si Yu na tapusin na ang “provocative and unsafe behaviors” sa pinagtatalunang katubigan.

Ipinahayag din nito ang patuloy na pagsuporta ng Australia para sa 2016 arbitral win ng Pilipinas sa The Hague.

Kinikilala ng Australia ang sovereign rights ng Pilipinas sa mga lugar na nasa loob ng 200-nautical mile exclusive economic zone, at binasura ang patuloy na pag-angkin naman ng China sa South China Sea. (CHRISTIAN DALE)

191

Related posts

Leave a Comment