PARTNERSHIP NG PH-VIETNAM PALALAKASIN

KAPWA sinang-ayunan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh na palawakin ang kanilang kooperasyon pagdating sa usapin ng agrikultura.

Sa idinaos na bilateral meeting sa Indonesia, kapwa rin nangako ang dalawang bansa na palakasin ang kanilang partnership pagdating sa usapin ng kalakalan at pamumuhunan, turismo at maging sa tanggulan at seguridad.

Binigyang diin naman ni Pangulong Marcos ang yumayabong na kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa partikular na sa agricultural products.

Sinabi ng Pangulo, napakahalaga nito sa food supply ng bansa.

“I think that the market is ripe for continued development in the areas of course as I mention, in agriculture, transfer of technologies for climate change, the different areas that we have been looking at also at specific products that Vietnam has been successful at,”  ayon kay Pangulong Marcos. (CHRISTIAN DALE)

328

Related posts

Leave a Comment