PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA
NOPE, hindi po tatakbong presidente, o sa Senado si Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso, at matutupad ang pangako niya noon: tatapusin niya ang tatlong termino sa Maynila, upang maibalik ang ningning at dangal nito.
Intriga politika lamang ang ikinakalat ng mga anti-Isko, hehehe, balita ay mula sa natalong kampo nanggagaling ang tsismis na target ni Yorme Domagoso ang Malakanyang.
Hindi po, Mayor Isko has confirmed he will seek reelection as Manila mayor in 2028, at magpopokus siya lalo sa kanyang “Minimum Basic Needs Agenda” o MBNA.
Linawin natin itong MBNA ni Yorme na pilit kinokopya ng iba riyan, he he he, na maganda naman po, kasi nakita naman ng madlang pipol, very efficient, very effective ang Bilis-Kilos program ng Makisig nating Yorme ng Maynila.
Itong MBNA ay tungkol sa healthcare, housing, education, and jobs!
Pero bago yan, big congratulations po kay Yorme Kois, Vice Mayor Chi Atienza at sa treasury office team ni Atty. Paul Vega, at bakit po, e kasi, ‘yung kabangyaman ng city hall, may laman na po.
Kasi halos sinimot, sinaid ng nakaraang administrasyon ang alkansiya nina Lola at Lolo ng Maynila, at nag-iwan ng malaking utang, at sa galing ng collection efforts at mahusay na pagpipigil sa ‘di maayos na paggastos, ‘yung P14.59 bilyon, opo, bilyones pesos na iniwang utang, halos bayad na.
At ang natitira pang financial obligations, unti-unting nababayaran, at dahil balik tiwala na ang taxpayers, lumalaki, lumalago ang income and collection ng Manila Treasury Department kaya may laman na po ang alkansiya ng Manila City Hall.
Balik tayo sa ating topic, gawa na at very visible ang repormang naipatutupad ng tandem nina Yorme at VM Chi, at sa sa fiscal discipline ng treasury office, kasama ang budget office, siyempre at sa pagtutulungan ng lahat ng office at department heads, masaya ang mamamayang Manilenyo sa nadarama nilang gobyernong nakasentro sa buhay at kabuhayang masigla at masaya.
Let’s talk about Yorme’s Minimum Basic Needs (MBN) Agenda.
Kung noong pandemya ng Covid-19 ay maayos na natrabaho ni Yorme Isko ang peligro sa buhay ng Manilenyo, ngayon pa, stable na ang finances, mas mapabubuti niya ang serbisyong medical na nakasento sa sicknesses prevention at easy access – ‘yung abot-kaya at agad-agad na serbisyo sa city hospitals at health centers ng Maynila.
Sa edukasyon, balita ko, nakasentro ang tutok ni Mayor sa improvement at pagtatayo ng marami pang classrooms sa public school, kasi, lumalago ang population ng Maynila.
‘Yung mga probinsiyano, type nila na mag-aral sa schools and universities sa Maynila na ang inilalabas na graduates, mga topnotcher lamang naman sa national board exams at maging sa bar exams.
Pangako ni Yorme Isko, gawa na wala nang krisis sa pinansiyal, madaragdagan ang educational assistance at pagbubutihin ang scholarship programs.
Trabaho, dyan expert si Yorme, tandaan ang Tondominium 1 & 2 at ang Binondominium at iba pang pabahay ni Isko, kahit noong Covid-19, ang daming skilled workers at kahit tambay, nagkatrabaho.
Nahihikayat na muli ni Mayor Domagoso na mag-invest sa Maynila ang mga taga-labas ng lungsod at maging ang foreign businessmen.
‘Yun Pabahay para sa city informal settlers, umaarangkada na po.
Yes, sa MBN Agenda nakatutok ang 10-Year Development Plan ng tamdem nina Yorme Isko at VM Chi Atienza, at pinagbubuti na rin upang lalo pang maging episyente ang serbisyo, sa pamamagitan ng digitalization at e-BOSS (Electronic Business One-Stop Shop),
Ito, sabi ni Yorme Isko, ay mangyayari ang vision niya “To Make Manila Great Again.”
May nagtanong sa akin, bakit very popular sa tao – sa Manilenyo at maging sa ibang probinsya si Yorme Isko?
Kasi, laking Tondo, anak-mahirap, anak ng kargador si Mayor Domagoso kaya alam nila ang street smart governance.
Alam niya ang buhay sa kalye, galaw ng mga basurero at ang diskarte sa kalsada upang mabuhay nang disente.
Kaya nang makabalik si Yorme sa city hall, disiplina sa komunidad ang tinutukan niya, public safety at kaayusan at kalinisan, at ang freedom parks, maayos na doon sa Maynila idinaraos ang rally.
Feel ng mga raliyista, safe sila sa disiplina at good governance ni Yorme Isko.
At ito ang maganda, hindi nakaliligtaan ang economic at cultural na pag-unlad, kaya napapanatili ang mga pook historical, gaya ng Intramuros, Luneta, Quiapo, at Binondo na laging sentro ng turismo.
‘Yung mga galit sa Chinese, he he he, panay ang bisita nila sa Binondo, Divisoria na sentro ng kulturang Chino na minana natin bago pa dumating ang mga Kastila at Amerikano.
`Yung magandang track record ni Mayor Isko ang sisigurado, sa 2028, panalo na uli siya, at gaya ng promise niya, ang 10-year vision niya na to ‘Make Manila Great Again’ ay mangyayari.
Basta, hindi hihiwalay si Yorme sa gobyernong nakasentro, nakasandig sa kabutihan ng mamamayang Manilenyo.
Ang gobyerno niya ay nakabaon na upang magsilbi kina Lola, Lolo, solo parents at sa kahit anong sektor pa.
Kasi si Yorme Isko ay may gobyernong “nakikinig” sa masang Manilenyo.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon, sumulat o magmensahe sa bampurisima@yahoo.com.
58 