OFW SA JEDDAH HUMIHINGI NG AGARANG SAKLOLO

HUMIHINGI ng agarang tulong ang isang overseas Filipino worker (OFW) na si Judylen Alisoso, na nagtatrabaho sa Jeddah sa ilalim ng Thawabet Resources Company, sa pamamagitan ng kanyang local agency sa Pilipinas na Camox Phils.

Ayon sa kanyang pahayag, walong buwan na siyang nagtatrabaho sa Jeddah ngunit palaging delay ang kanyang sahod, at sa tuwing tatawag sa kanyang agency upang humingi ng tulong, ang tanging sagot ay “settle mo lang” sa employer ang problema.

Bukod sa delayed na sahod, labis ang takot ni Alisoso sa kanyang kaligtasan dahil sa mga banta sa kanyang buhay mula sa kanyang among babae.

Aniya, palagi umano siyang sinasabihan na papatayin at pinipilit siyang makisama na lamang. Dahil sa ganitong kalagayan, ayaw na niyang manatili sa kanyang employer.

Nananawagan si Alisoso sa kanyang pamilya at sa mga awtoridad sa pamahalaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng kanyang ina na si Estelita Ramirez, para sa agarang tulong at repatriation.

“Gusto ko na pong umuwi kasi natatakot na ako sa kalagayan ko. Palagi na lang akong sinasabihan na papatayin at ayaw ko nang makisama sa amo kong babae. Kahit ano na lang ang ibinibintang sa akin,” ani Alisoso sa kanyang pahayag.

Hangad ng pamilya ni Alisoso ang mabilisang aksyon mula sa Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at sa kanyang recruitment agencies upang matiyak ang kanyang kaligtasan at agarang pag-uwi sa Pilipinas.

117

Related posts

Leave a Comment