ANG kabataan ang pag-asa ng Bayan. Ito ang wika ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.
Ngunit paano na lang kung ang ating mga kabataan ay pagsamantalahan ng ilang mga mapagsamantalang opisyales ng ating pamahalaan?
Nangyayari ang ganitong kaso sa Bureau of Immigration (BI) kung saan ay maraming mga kababaihan na may angking kagandahan ang kumakapit sa patalim at ang iba naman ay nananatiling tikom na lamang ang bibig sa mapait na nangyayari sa kanila sa kamay ng isang mapagsamantalang opisyales sa ahensiya.
Ang mga College Students mula sa iba’t ibang Unibersidad ay required na mag OJT sa mga Public o Private sectors upang mahubog at magamit ang kanilang kakayanan at natutunan mula sa kanilang kursong kanilang napili.
Sa pagkuha ng OJT ay magagamit ng mga mag-aaral ang kanilang karanasan upang lumawak ang kanilang kaalaman at maari pa silang kumita sa maliit na halaga upang matulungan nila ang kanilang mga sarili at ang kanilang magulang.
Pero paano na lamang kung sila’y mabiktima ng mga manyakis na opisyales at sila’y mapagsamantalahan kanino sila magsusumbong?
Itatago na lamang natin ang isang biktima sa pangalang Bea. Nagsimula itong pumasok sa BI bilang isang OJT at dahil sa taglay nitong kagandahan ay maraming opisyales dito ang tumayo. Hindi po sa upuan kundi ang kanilang pagkalalake!
Hanggang sa inalok itong maging Job Order employee ng isang hepe noon ng isang Satellite Office ng BI kung saan ay sumusuweldo na ito ng halos 30k kada buwan mula sa gobyerno at naging kapalit ay ang paligayahin si Attorney sa tuwing ito’y sinusumpong ng kanyang kamunduhan.
Naging maganda naman umano ang turing sa kanya ni Attorney noong una dahil binigyan ito ng sariling sasakyan, Condo unit at maging ang mga nais nitong mga bagong gadgets. Walang masama kung ito’y galing sa kanilang mga bulsa pero paano kung pati ang pondo ng gobyerno at maging ang kanilang kapangyarihan ay kanilang ginagamit?
Makalipas ang ilang taon nang magbuntis itong si Alias Bea ay nagulat na lamang ito nang bawiin umano sa kanya ni Attorney ang condo unit at ang kotse? Dahil daw sa duda ito na hindi kanya ang pinagbubuntis nito? Hanggang sa nakita na lamang umano ni Bea na may iba na namang biktima itong si Attorney. Mr. Clean may pagkakataon ka na naman wag ka lang ulit papahuli sa misis mo!
Kung si Alias Bea ay nakatikim ng saglit na kaginhawaan paano na lamang kaya ang iba? Ang isa umanong nakaranas ng mapait na karanasan dito ay isang OJT na pinagsamantalahan ng isang lawyer din ng BI na lagi ngayon sa isang malayong probinsya na may kamag- anak na lokal na opisyal at ng matapos gahasain umano ay binayaran na lamang ng 50 thousand pesos upang hindi na magreklamo.
Para po sa inyong Sumbong at Reaksyon itext lamang ako sa 09158888410.
189 