PINOY NA LAGING BUGBOG SARADO SA AMO GUSTO NANG UMUWI SA BANSA

ISA na namang kababayan natin ang nagparating sa atin ng mapait niyang karanasan at humihiling na siya ay matulungan para makauwi na dito sa bansa.

Siya ay si Muslimin Haron Imam na nagtatrabaho bilang waiter at cashier sa Riyadh, Saudi Arabia. Nagsimula siyang magtrabaho sa Saudi noong 2017 sa pamamagitan ng A&W International Manpower Services Specialist.

Ang pangalan ng kanyang amo sa Saudi ay Hamdah ­Husain Ak Mukhles na walang tigil ang ginagawang ­pambubugbog sa kanya at kahit pa tapos na ang kanyang ­kontrata ay ayaw siyang pauwiin, hindi na rin daw siya pinasusweldo at pinalayas na rin daw siya doon sa bahay na kanyang tinitirhan.

Kwento nitong si Muslimin, may kasamahan siyang kapwa Pinoy na nagnakaw sa kaha ng kanyang amo. ­Nadamay raw siya kaya binugbog siya ng husto. Pinagtutusok daw siya ng tubo sa kanyang ­dibdib, ­tinutukan ng kutsilyo at ­pinagsasapak daw siya sa batok hanggang sa siya ay mahimatay.

Sa kabila nito, hindi raw siya tinutulungan ng kanyang agency sa Saudi dahil wala ­naman ­police report, medical o picture at video na magpapakita na ­binugbog siya ng kanyang amo.

Takot na takot na ang ­ating kababayang OFW dahil ­anumang oras ay maaari daw mu­ling mangyari ang pambubugbog sa kanya ng kanyang marahas na amo. Lalo na ­ngayon na ginawa na siyang cashier. Ang kanyang pangamba ay baka gawan pa siya ng masama at sa halip na siya’y makauwi, baka kasuhan pa siya at ipakulong pa.

Ang AKOOFW ay hindi ­magdadalawang isip na tulu­ngan ang ating kababayan na nasa ganitong kalagayan. Makikipag-ugnayan tayo sa ­ating embahada sa Saudi at sa ating mga labor officials na ­nakakasakop sa lugar. ­Gagawin natin ang lahat ng paraan para makauwi ng bansa si OFW ­Muslimin at sa lalong ­madaling panahon ay makasama na ­niyang muli ang kanyang pamilya.

oOo

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa akin sa e-mail ­address saksi.ngayon@gmail.com o drchieumandap@yahoo.com.

253

Related posts

Leave a Comment