ONE MERALCO UMANI NG PARANGAL SA 61ST ANVIL AWARDS. Nakasungkit ang Meralco One Meralco Foundation, Meralco PowerGen Corporation at Meralco Power Academy ng limang (5) Gold at 15 Silver na tropeyo noong 61st Anvil Awards na ginanap sa Solaire Resort North sa Quezon City.
Kinilala muli ang Manila Electric Company (Meralco) bilang isa sa mga pinakamahuhusay na kumpanya pagdating sa larangan ng komunikasyon matapos umani ng 20 na parangal sa katatapos lamang na 61st Anvil Awards.
Kasama ang One Meralco Foundation (OMF), Meralco PowerGen Corporation (MGEN) at Meralco Power Academy (MPA), kinilala ang mga natatanginging public relations (PR) program at tool na naisagawa ng grupo para sa kanilang mga stakeholder.
Nakasungkit ang kumpanya ng limang (5) Gold Anvil para sa mga kampanyang nakasentro sa epektibong paggamit ng digital communications, public service, media & information literacy at electrification program.
LIMANG GINTO. Nakasungkit ang kumpanya ng limang Gold Anvil para sa mga kampanyang nakasentro sa epektibong paggamit ng digital communications, public service, media & information literacy at electrifi cation program.
Nagsanib pwersa ang Meralco at PNP upang sugpuin ang mga “jumper” o ang mga nagkakabit ng iligal na koneskyon ng kuryente.
Dumadaloy ang pag-asa. Pinangunahan ni Chief Operating Officer Engr. Ronnie Aperocho ang turn-over ceremony kasama sina One Meralco Foundation President Jeffrey O. Tarayao ( 3rd from left), the Sto. Nino Mayor Sulpicio Villalobos , Barangay Guinsang-an Captain Efren Penaflorida (3rd from right), at South Cotabato Electric Cooperative (SOCOTECO) Power Metering Supervisor Engineer Jeffrey Velasco.
Nakakuha ng gintong parangal ang kampayang “Tulung-tulong para sa mas Ligtas na Kinabukasan: Meralco’s Communications Campaign to Combat Illegal Service Connection” Combat Illegal Service Connection” na naglalayong paigtingin ang panghuhuli sa mga gumagamit ng ilegal na koneksyon sa kuryente o mas kilala sa tinatawag na jumper. Binigyang diin nito ang matagumpay na pakipagtulungan ng kumpanya sa mga kapulisan at lokal na pamahalaan para masiguro ang pampublikong kaligtasan at magkaroon ng kamalayan ang publiko para sama-samang masugpo ang mga iligal na gawain.
Nagwagi rin ang “From Fake News to Fact: Strengthening Public Discernment with Manong Joe” para sa kampanya nitong labanan ang fake news at pagsusulong ng media literacy sa pamamagitan ng isang information drive gamit ang mga social media platform ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga. Layon din nitong matulungan ang publikong maging mapanuri sa paggamit ng social media lalo na sa paglaganap ng fake news.
Balik Eskwela sa Palawan. Nakatanggap din ang mga mag-aaral ng Caponayan sa isla ng Cuyo sa Palawan ng mga school kit na makatutulong sa kanilang pag-aaral.
HATID NA LIWANAG. Ikinabit ng MSpectrum, isang subsidiary ng Meralco, ang mga solar panel sa mga liblib na paaralan sa Mauban sa pamamagitan ng School Electrification Program ng OMF.
Nagkamit rin ng Gold Anvil ang “Through the Rain: How Meralco Newsroom Powered PR on Meralco’s Readiness and Response During the July 2025 Habagat Onslaught” na nagpakita kung paano ginamit ang Meralco Newsroom social media accounts para ilahad ang kahandaan ng kumpanya, at kabayanihan ng mga Meralco linemen sa agarang aksyon nito sa gitna ng unos at kasagsagan ng malakas na pag-ulan bunsod ng habagat noong 2025.
Pinamalas ng kumpanya sa “The Next 25: Meralco’s Commitment to Nation-Building, Sustainable Growth, and Power Innovation” ang mga ginawa nitong hakbang para matiyak ang pag-renew ng legislative franchise ng Meralco. Binigyang diin dito na kaagapay ng gobyerno ang Meralco sa pagsusulong ng mga inisyatibong naglalayong mapabuti at mapagaan ang kalidad ng pamumuhay ng mga Pilipino.
Isa pang Gold Anvil ang naiuwi ng OMF para sa “From Sun to Safe Water: Water Access Electrification in South Cotabato” na nagsalaysay ng matagumpay na pag-energize ng water system ng komunidad at pagpapabuti sa distribusyon ng tubig sa mga kabahayan sa pamamagitan ng solar technology.
Umani rin ng labindalawang (12) Silver Anvil ang mga programa ng One Meralco na nagsusulong ng animal welfare advocacy, paggamit ng renewable energy, pagpapalakas ng cybersecurity, internal audit, at corporate social responsibility.
MTerraSolar. Kinikilala ang MTerra Solar bilang ang pinakamalakaing integrated solar and battery storage facility sa buong mundo na inaasahang makapigbay ng suplay ng clean energy sa 2.4 million na kabahayan.
Kinilala ang ang “E-lluminating the Media through Meralco Newsroom Omnichannels: Expanding the Digital Reach of Meralco’s Communications Program for its Monthly Rates Adjustment” sa paglalarawan nito ng epektibong paggamit ng kumpanya ng iba’t ibang digital platforms para maliwanag na maihatid ang impormasyon tungkol sa buwanang singil ng Meralco. Samantala, itinampok ng “Restoring Trust: How Credible Channels Renewed Public Confidence in Meralco” ang matagumpay na pakikipagtulungan ng Meralco sa iba’t- ibang kumpanya at media organizations upang makatulong na mapabuti ang pagtingin ng publiko sa kumpanya.
Kabilang sa mga bagong proyekto ng Meralco na nakakuha ng parangal ang “Wavemaker Community Program: Empowering Educators for a Safer Digital Future in Schools” na nagpapaigting ng cybersecurity sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga guro ng paunang kaalaman ukol sa digital space; at ang “Sparking Internal Audit Literacy: A Professional & Student Exchange Forum” na naglalayong bigyan ng kamalayan ng mga estudyante ukol sa internal audit.
Nagwagi naman ang MPA, ang educational arm ng Meralco, para sa summer internship program nitong “Meralco PowerCamp – Illuminating a Just Energy Transition” na nagbibigay ng makubuluhang kaalaman at karanasan sa mga estudyante. Samantala, nanalo rin ang “Energizing Minds: Meralco’s Journey Toward Nuclear Energy Leadership” na tumatalakay sa ukol sa pagsusulong ng nuclear energy at energy security.
INTERNAL AUDIT . Pinangunahan ni Meralco Senior Vice President and Group Chief Audit Executive Melanie T. Oteyza ang Sparking Internal Audit Literacy session na naglalayon ma-empower ang mga susunod na henerasyon ng auditors.
Kinilala rin ang isa pang adbokasiyang ng kumpanya, ang “Paw-ering Compassion: Meralco’s CATropa Animal Welfare Program” na nagsusulong sa kapakanan mga hayop at tumutugon sa lumalaking populasyon ng mga pusa sa loob ng mga pasilidad ng kumpanya.
Nag-uwi rin naman MGEN, ang power generation arm ng Meralco ng mga parangal para sa mga proyekto nitong sumusuporta sa paggamit ng renewable energy tulad ng “MTerra Solar Groundbreaking Ceremony” at “A Global Breakthrough in Sustainable Energy: MTerra Solar, the world’s largest solar integrated and battery energy storage”.
Ipinakita rin ng kumpanya ang dedikasyon nitong mapagbuklod ang mga empleyado at makabuo ng isang bagong kultura sa pamamagitan ng kanilang rebranding efforts na “MGEN’s New Vision – Mission – Values Rollout”.
Nakatanggap ng Silver Anvil ang OMF para sa mga programa nitong“Empowering low-income households through One Meralco Foundation’s Household Electrification Program 2024” na nagbigay ng mas madali at abot-kayang kuryente sa mga mahihirap na pamilya na nasa loob ng franchise area nito; ang “From Darkness to Dreams: Energizing Education” na nakapaghatid ng liwanag sa mga off-grid na pampublikong paaralan gamit ang solar power technology; ang “The Voices of Change: Empowered Filipinos Transformed One Meralco Foundation’s Social Media Reporting into Organic Community Advocacy” na nagpapakita ng epektibong paggamit ng social media para maibahagi ang mga magagandang kwento ng mga naging benepisyaryo nito. Dalawang Silver Anvil naman ang iginawad sa One Meralco Balik Eskwela 2025: Empowering Young Learners through Literacy Kits” na kampanyang tumutugon sa literacy gap at naglalayong mapataas ang kasanayan ng mga mag-aaral sa kindergarten.

Wavemaker. Nagsagawa ang Meralco Cyber Security Group, katuwang ang One Meralco Foundation ng isang cybersecurity awareness program. Pinangunahan ito ni OMF President Jeffrey O. Tarayao (2nd row, 8th from left) kasama sina DepEd Assistant Secretary for Operations Jocelyn DR. Andaya (2nd row center) at PNP-NCR Cyber Response Unit at Regional Anti-Cybercrime Unit Police Colonel Jay Guillermo ( 2nd row 7th from right) at ang 60 guro mula sa ibat ibang pampublikong paaralan.
“Patuloy na tinutupad ng Meralco ang pangako nitong maghatid ng abot-kaya, ligtas, at maaasahang serbisyo ng kuryente- kaya kami ay nagsisikap na lalo pa itong pagbutihin. Sinisiguro namin kasama ang aming mga subsidiary na ang mga inisyatibong aming ginagawa ay nakikita at tunay na maramdaman ng aming mga stakeholder,” ani Meralco Vice President at Head ng Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga.
“Patunay ang mga parangal na ito sa walang humpay na pagsisikap ng One Meralco magpatupad ng proyektong nagsusulong ng sustainability at energy literacy. Mananatili kaming tapat sa aming layunin na makatulong sa pagbuo ng mas maganda at mas maliwanag na kinabukasan —hindi lamang para sa aming 8.2 milyong customer, kundi para sa lahat ng Pilipino,” dagdag pa niya.
Ang Anvil Awards na tinaguriang “Oscars of Public Relations” ay taunang inoorganisa ng Public Relations Society of the Philippines upang bigyang pagkilala ang mga natatanging programa at inisyatibo ng mga kumpanya at pampublikong sektor sa bansa.
14







