OPEN WATER SWIMMING PALALAKASIN

KABILANG ang open water swimming – isa sa aquatic sports na bahagi ng Olympic program – sa bibigyan ng masinsinang atensyon at suporta ng FINIS Philippines upang mapalakas ang grassroots development program tungo sa pagiging world-class ng Pinoy swimmers.

Sinabi ni coach Vince Garcia, FINIS Philippines managing director, tiwala ang kanyang grupo na malaki ang tsansa ng mga Pinoy sa open water swimming basta mabigyan lang sila ng sapat na tulong at maayos na programa.

“Imagine we have more than 7,000 islands. Nakapalibot ang karagatan, napakaraming talento na puwedeng sanayin at sa tamang programa, kaya nating mag-produce ng mga world-class open water swimmers,” ani Garcia sa Tabloids Organization in Philippine Sports Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ via Zoom nitong Huwebes.

“We have in the pipeline Open Water Swim Races 5K and 10K debuting on May. Inaayos na namin, we’re ­finalizing the details. Right now, we’re still open for collaboration para mas marami tayong tournament na magawa para sa ating mga kabataan,” dagdag niya sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board (GAB) at PAGCOR.

Sa kasalukuyan, ang pagbabalik sa face-to-face action sa age-group swimming at triathlon ang pagtutuunan ng grupo sa inorganisang 2022 FINIS Short Course Swim Competition.
Tatlong serye ang kompetisyon para sa age-group swimmers na magsisimula sa Luzon leg sa Marso 26-27, kasabay ang Kids of Steel Triathlon sa New Clark City Aquatic Center, Tarlac City. Nakatakda ang Visayas leg sa Abril 23-24, habang ang Mindanao leg sa Mayo 28-29, at ang National Finals sa Hunyo 4-5.

“We have tied-up with the Triathlon Associations of the Philippines (TRAP) para sa age-group triathlon program. Isinabay na namin sa swimming competition dahil akma naman ang venue. The original plan, isama na rin yung elite tournament, but we decided to focus muna sa mga bata dahil matagal na rin silang nabakante at gusto na ring magsilabas ng bahay,” ayon kay Garcia.

Bukas para sa lahat ang mga nabanggit na kompetisyon, na naglalayong mahasa ang mga kabataang swimmers sa mas mataas na antas ng kompetisyon, lalo sa mga nagnanais maging bahagi ng Philippine Team.

“Currently, we have already 300 registered swimmers and still counting. Open sa lahat. It’s easy to register dahil may online registration, https://register.raceyaya.com/event/finis-swimseries-luzon. For Kids of Steel punta lang sa https://register.­raceyaya.com/event/finis-sprint-triathlon,” sabi pa ni Garcia.

Ang kategorya sa Kids of Steel Triathlon, Under 6: 50 meters Swim – 700M Bike – 200M Run; 7-8 y.o. : 50 meters Swim – 1.5k Bike – 200M Run; 9-10 y.o. : 100 meters Swim – 2k Bike – 1K Run; 11-12 y.o. : 200 meters Swim – 4K Bike – 1.5K Run; 13-15 y.o. : 300 meters Swim – 8K Bike – 2K Run.

Samantala, suportado din ng FINIS ang nakatakdang Southern Tagalog Cup na inorganisa ng Swim League Philippines (SLP) sa pamumuno ni Joan Mojdeh, ngayong Sabado (Marso 19) sa Quezon National High School Swimming Pool sa Lucena, Quezon. (DENNIS IÑIGO)

268

Related posts

Leave a Comment