PANAWAGAN SA STARBORNE INTERNATIONAL PROMOTIONS & MANPOWER CORP.

BANTAY OFW

Nakatanggap ako ng sumbong at pakiusap mula sa kapwa advocate na si Bro. Art mula sa Kuwait. Inihihingi n’ya ng tulong si Marielle Kris Lampon Martos na deployed ng Starborne International Promotions & Manpower Corp.

Ayon kay Marielle Martos, dumating s’ya sa Kuwait noong October 26, 2018 bilang isang household worker.

Ayon sa kanyang sumbong ay siya ay hina-harass at ibebenta pa ng kanyang employer at ‘di rin s’ya pinapakain nang sapat. Heto po ang kanyang buong salaysay:

“One week ago nagreport na po ako sa aking agency kay ma’am Jenifer pero ako pa ang pinagalitan. Natatakot po ako sa mangyayari po sa akin ngayon dahil galit po ang mga amo ko, si sir at madam, pinagsisigawan po ako at dinuro-duro. Hindi na po ako makalabas ng kuwarto ngayon dahil ibebenta po nila ako sa ibang amo.”

“Nong una po, laging sinasabi ni sir na maganda po ang katawan ko. Hinayaan ko lang po at pinag-pray na lang po na sana magbago ang sitwasyon. Tapos naulit na naman po na papakasalan n’ya po ako. Saka naulit po na hahalikan n’ya po ako at babayaran n’ya po ako. Naulit na naman po noong pagbigay ko na po ng tea ang hahawakan n’ya po ang dibdib ko pero nakaiwas po ako. Ang panghuli hanggang ngayon paulit-ulit n’yang hinahawakan ang ari n’ya at tatawagin ako.

“Sinabi ko po na dapat irespeto po ako dahil katulong nila ako. Pero mas lumalala pa po at lalo pa po akong binabastos.”

Ako ay nanawagan sa Starborne International Promotions & Manpower Corp para sa mabilisang aksyon upang hindi na lalo pa malagay sa alanganin ang kanilang worker na si Marielle. Bawat oras at araw na daraan ay may malaking pagbabago at maaaring panganib sa kanya lalo pa at malinaw na tila nagkakagusto ang kanyang employer na lalaki.

Hinihikayat ko po ag lahat ng mga OFW at ang mga paalis pa lamang ng bansa na mag-download ng ating mobile app na Bantay OFW upang kayo ay aming masubaybayan at mabigyan ng kaukulang tulong kung kinakailangan. Libre po ito. Ang kailangan n’yo lamang ay i-download ang ating mobile app sa android playstore at mag-sign up.(Bantay OFW / DR. CHIE LEAGUE UMANDAP)

172

Related posts

Leave a Comment