TESDA, DEDMANG AKSYUNAN ANG PEKENG CERTIFICATE

Misyon Aksyon

Nagsadya ang Misyon Aksyon sa tanggapan ng TESDA upang makunan ng panig ukol sa reklamo ni Salvador Francisco ng Cainta, Rizal sa mga pekeng ipinamahaging sertipiko mula sa Guiguinto, Bulacan.

Nang makausap namin ang staff ng Public Information Department, ipinasa at ipina-receive ang sulat nitong July 18, sa tanggapan ng Records Section ni Maria Michelle Genito.

Makaraan ang isang linggo, nakatanggap kami ng email noong July 23 mula kay Jasmin Gomez ng Office of Directorial General (ODG) na kanilang sagot.

“This is to acknowledge the receipt of your letter bearing with your complaint against TESDA Region III Guiguinto Bulacan. Please be informed that the matter has been endorsed to the appropriate office of TESDA for investigation,” nilagdaan ni Director Isidro S. Lapena.

Noong August 6, nag-follow-up kami sa tanggapan ng Records Section, agad na tinawagan ang Office of Directorial General at inalam ang kalagayan ng nasabing reklamo, una nilang paliwanag hindi sila nagpapaakyat sa tanggapan ng ODG agad.

Makaraan ang halos isang oras, tumawag ang staff ng Records Section at nagsabing ipadadala na lang ang kanilang sagot sa email.

Tinatawagan ng pansin: Pangulong Rodrigo Roa Duterte, dapat sigurong imbestigahan ang tanggapan ng TESDA dahil hindi po nagagampanan ang kanilang trabaho. Ganito na pala ang serbisyo publiko ng TESDA?

BETERANONG MANUNULAT PUMANAW NA

Nakikiramay po ang inyong lingkod sa pagpanaw ng isang itinuturing na isa sa gabay ng mga manunulat sa mga tabloid ng bansa.

Pumanaw sa edad na 60-anyos, si Ariel Dim Borlongan ay nanungkulan bilang punong patnugot sa iba’t ibang pahayagan sa “Gintong Panahon ng Pamamahayag” sa Wikang Pambansa mula dekada 80 hanggang 2000. Bihasa sa paggamit ng Wikang Filipino, siya ang nagsalin ng premyadong aklat ni Renato Constantino na “The Past Revisited”.

Tumanggap si Borlo­ngan bilang Makata ng Taon sa bansa ng apat na taon at tumanggap ng iba’t ibang karangalan sa award  giving bodies kabilang ang Carlos Palanca Memorial Award.

Salamat sa mga naitulong mo sa larangan ng panunulat. May you rest in peace. (Misyon Aksyon  /  Arnel Petil)

207

Related posts

Leave a Comment