P1.3-M BATO NASAMSAM SA HVI SA LAGUNA

LAGUNA – Nasamsam ng mga tauhan ng Siniloan Police ang tinatayang P1,360,000 halaga ng umano’y shabu sa isinagawang drug bust operation sa Barangay Wawa, sa bayan ng Siniloan sa lalawigan noong Lunes ng hapon.

Kinilala ang suspek na si alyas “Marvin,” 41, kabilang sa listahan ng mga high value individual (HVI) sa drug watchlist ng Siniloan Police.

Naaresto ang suspek matapos nitong magbenta ng isang sachet ng shabu sa halagang P500, sa isang pulis na nagpanggap bilang buyer.

Ayon sa ulat, nakuha mula sa suspek ang limang plastic sachet at dalawa pang transparent ice bags na naglalaman ng shabu, na may kabuuang timbang na tinatayang 200 gramo.

Nakumpiska rin ang isang gray sling bag na ginamit na lalagyan at ang marked money na ginamit sa operasyon.

Dinala ang suspek at ang nakumpiskang mga ebidensya sa PNP Laguna Provincial Forensic Unit sa Camp Paciano Rizal, Sta. Cruz, Laguna, para sa laboratory examination.

Inihahanda na rin ang kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa sa suspek. (NILOU DEL CARMEN)

49

Related posts

Leave a Comment