P100K PABUYA SA MAGTUTURO SA NAMARIL SA TRAFFIC ENFORCER SA CAVITE

NAGLAAN ng P100,00 pabuya sina Congressman Pidi Barzaga at Dasmariñas City Mayor Jenny Barzaga sa sinomang makapagtuturo o magbibigay ng impormasyon sa pagkakakilanlan ng suspek sa pamamaril sa isang traffic enforcer, ayon sa Facebook account ng kongresista.

Patuloy ang hot pursuit at dragnet operation ng Cavite police sa mga kalapit lungsod at bayan laban sa suspek na bumaril sa traffic enforcer sa Dasmarinas City, Cavite, Sabado ng hapon.
Naka-confine ngayon sa DLSU Medical Center ang biktimang si Edgard Quiroga, 60, dahil sa tama ng bala sa katawan.

Inilarawan nito ang suspek na nakasuot ng itim na red helmet, gray long sleeve, maong pants at sakay ng motorsiklong kulay pink/black na MIO Soul at walang plaka.

Sa ulat ni PMSgt. George Fajardo Jr. ng Dasmariñas City Police, dakong alas-3:46 kamakalawa ng hapon, kausap ng biktima ang isa pang traffic enforcer nang dumating ang suspek na nakamotorsiklo at bigla itong pinagbabaril sa harapan ng gasolinahan sa Gov. Drive, Brgy. Langkaan 1 Dasmarinas City, Cavite.

Inaalam pa ang motibo sa pamamaril at tinitingnan na rin ng mga awtoridad ang CCTV sa lugar upang matukoy ang suspek. (SIGFRED ADSUARA)

163

Related posts

Leave a Comment