P68-M SHABU NASABAT SA CAVITE BUY-BUST

CAVITE – Tinatayang P68 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam matapos maaresto ang tatlong bigtime tulak na nasa listahan ng high value individuals (HVIs), sa isinagawang buy-bust operation sa Bacoor City noong Martes ng gabi.

Kinilala ang mga naaresto na sina Rolando Glanan Jr. y Abejer alyas “Mohammad”; Michael Aniano y Amesto at Maria Fhel Aniano y Navilla alyas “Marie”, pawang nasa listahan ng HVIs ng pulisya.

Ayon sa ulat, bandang alas-11:20 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang Special Enforcement Service (SES) ng Cavite Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Cavite Maritime Police Station sa Heritage Tree Nature Park, Villar City, Brgy. Molino IV, Bacoor City, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto kina Mohammad, Michael at Marie.

Nakuha sa kanila ang tinatayang 10 kilograms na shabu na may street value na P68 million, buy-bust money, isang Toyota Avanza na may susi, isang Nissan Sentra na may susi , iba’t ibang identification cards, tatlong pitaka, dalawang cellphone at iba’t ibang susi.

(SIGFRED ADSUARA)

43

Related posts

Leave a Comment