QUEZON – Isa ang patay habang apat ang sugatan kabilang ang isang bata at isang sanggol, matapos salpukin ng isang truck ang kasalubong na top down tricycle na sinasakyan ng mga biktima sa national highway sa Brgy. Capalong, sa bayan ng Real sa lalawigan bandang alas-10:00 ng umaga nitong Huwebes. Ayon sa report ng Real Police, dumulas ang truck habang ito ay tumatahak sa basa at kurbadang bahagi ng kalsada hanggang sa napunta sa linya ng kasalubong na tricycle. Kapwa hindi na nakaiwas ang dalawang sasakyan at bumangga ang truck…
Read MoreSEKYU NG HOTEL BINARIL NG RIDER
CAVITE – Tinutugis ng mga awtoridad ang isang motorcycle rider na bumaril sa isang security guard na naka-duty sa harapan ng isang hotel sa Gen. Trias City noong Huwebes ng gabi. Inilarawan ang suspek na nakamotorsiklo ng isang itim na Yamaha Mio, nakasuot ng green jersey at itim na half face helmet. Nilalapatan naman ng lunas sa Gentri Doctors Hospital ang biktimang si Nilo Martines, isang civilian guard sa Ranchotel Hotel, dahil sa tama ng bala sa hita at kaliwang bahagi tiyan. Ayon sa ulat, naka-duty ang biktima bilang isang…
Read MoreBANGSAMORO ELECTION PINAGHAHANDAAN NA NG PHILIPPINE ARMY
MATAPOS ang crucial role na ginampanan ng Philippine Army para matiyak na magiging malaya, maayos, mapayapa at katanggap-tangap ang isinagawang May 2025 national and local elections sa buong bansa, ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na ng Hukbong Katihan ang isasagawang Bangsamoro election. Tiniyak ng pamunuan ng Hukbo ang kahandaan nitong tiyakin ang seguridad sa nalalapit na halalan para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Oktubre 13, 2025. Ayon kay Army commanding general, Lt. Gen. Roy Galido, nakahanda ang Hukbong Katihan para tiyakin na magiging mapayapa ang mga…
Read MoreDOJ IPUPURSIGE PAGPAPAUWI KAY ROQUE
PURSIGIDO ang Department of Justice (DOJ) na makipag-ugnayan sa bansang The Netherlands para hilingin ang pagpapabalik sa Pilipinas ni Atty. Harry Roque. Ang dating Presidential Spokesperson ay naisyuhan ng warrant of arrest ng Angeles, Pampanga RTC Branch 118 na nahaharap sa kasong qualified human trafficking kaugnay sa operasyon ng Lucky South 99 scam hub sa Porac, Pampanga. Batay sa warrant na pirmado ni Presiding Judge Rene Reyes, nakitaan ng probable cause o matibay na basehan ang isinampang reklamo laban kay Roque, Cassandra Ong at 48 iba pa. Samantala, sinabi ni…
Read MoreCIDG NAGPAKALAT NG TRACKER TEAMS LABAN KINA ROQUE, ONG AT 49 IBA PA
INIHAYAG ni CIDG chief Director Police Major Gen Nicolas Torre III, na nagpakalat na sila ng tracker teams ng CIDG sa buong bansa para sa agarang pagkaaresto kay dating Malakanyang spokesperson Atty. Harry Roque, Cassandra Ong at 49 na iba pa. Sinabi ni Torre, na nakakalat na sa buong bansa ang kanilang mga tauhan at magtatrabaho ng 24-oras para sa agarang pagkaaresto ng mga akusado. Ito ay bilang pagtalima sa kautusan ni PNP chief General Rommel Francisco Marbil na paigtingin ang Oplan Pagtugis operation sa wanted persons. Matatandaan na nagsampa…
Read MoreOpisina nilusob; MAYORALTY CANDIDATE SA PASIG SINISINGIL NG MGA RESIDENTE
NAGTIPON ang daan-daang katao sa harap ng isang construction company sa Pasig City matapos kumalat ang balita na mababayaran na sila sa kanilang sebisyo bilang watchers at poll aide nitong katatapos na midterm elections. Tinatayang hindi bababa sa isandaang Pasigeuno mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod ang nagtungo sa tanggapan ng St. Gerrard Construction (SGC) company sa F. Manalo St., Barangay Bambang nitong Mayo 14. Ito ay matapos kumalat ang balita na babayaran na sila ni Sarah Discaya na tumakbong mayor ng Pasig. Si Discaya ang may-ari ng St.…
Read MoreKAMPANYA KONTRA DROGA NG BUCOR PINAIGTING
HINIGPITAN ng Bureau of Corrections ang paggamit ng government quarters para sa mga tauhan nito kasunod ng pagkakaaresto sa tatlong indibidwal kabilang ang isang inmate at ang anak ng dating corrections officer sa hinihinalang ilegal na droga sa San Ramon Prison and Penal Farm (ZPPF) sa Zamboanga. Kasunod nito, inatasan ni Bucor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. si SPPF C/SSupt. Daisy Sevilla Castillote na magsagawa ng masusing imbestigasyon at tiyaking walang gagamiting quarters ng gobyerno sa mga bawal na gawain. Batay sa ulat na isinumite kay Catapang ni…
Read MoreP4-B E-GATES PROJECT NG BI, SINO’NG MAY KICKBACK?
BISTADOR ni RUDY SIM MATAPOS ang mainit na kaguluhan sa Bureau of Immigration noong May 2, makaraang manghimasok at makialam si BI Commissioner Joel Viado sa isinagawang meeting na may kaugnayan sa P4 bilyong E-Gates project ng ahensya, ay pilit umanong pinaaaprubahan ni Viado sa araw na iyon na pinaniniwalaang dahil may malakas na pressure mula sa DOJ? Dahil sa naturang kaguluhan na sinigawan at dinuro umano ni Vayad-O este Viado, ang mga opisyales sa naturang meeting kabilang si Deputy Commissioner Daniel Laogan, ay hindi natapos ang meeting dahil sa…
Read MoreSIMULA NA NG TRABAHO
CLICKBAIT ni JO BARLIZO TAPOS na ang Eleksyon. Naiproklama na ang ilang nanalo. Ang isang araw at ilang oras na botohan ay simula ng tatlong taon na magiging sitwasyon ng pulitika at kalagayan ng bansa at ng mamamayan. Sa mga hindi pinalad – hindi pa sarado ang inyong aspirasyon. Sa mga nagwagi – kailangan ang pagpapakumbaba at pagtupad sa mga ipinangako. Ang pasasalamat ay hindi lamang inihahayag sa salita kundi sa pagkilos at pagtatrabaho. Ginusto n’yong tumakbo at pinalad manalo. Nakiusap kayo sa mga Pilipino kaya huwag naman sanang makisuyo…
Read More