(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) INTERESADO pa rin ang publiko na pag-usapan ang mga isyu laban sa administrasyong Marcos Jr. tulad ng kontrobersyal na paglilipat sa PhilHealth fund at ang national budget ngayong 2025. Ayon kay dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica, bagaman nakatutok ang publiko ngayon sa pagkakakulong ni dating pangulong Rodrigo Roa Duterte sa detention facility ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands, nananatili ang interes ng mamamayan na mapag-usapan ang mga ipinupukol na isyu laban sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa kabilang…
Read MoreBigo sa ambisyosong 1M housing kada taon MARCOS ADMIN SABLAY SA PABAHAY
SUMABLAY ang Malakanyang sa proyekto nitong pabahay nang hindi nito maabot ang target na isang milyong housing units kada taon. Ang katwiran ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang ay dahil maliit ang presyo na ibinibigay sa taumbayan para i-avail ang housing unit kaya iyong ibang contractors aniya ay hindi sumasali o sumasama sa ganitong klaseng proyekto. Bukod pa sa kaunti na lamang aniya ang mga developer. Bukod dito, mayroon pa aniyang causes of delays katulad ng “processing and release of…
Read MoreP45 MAXIMUM SRP SA IMPORTED NA BIGAS, TIYAKING MAIPATUTUPAD
PINATITIYAK ni Senador Sherwin Gatchalian sa Department of Agriculture na mahigpit na imomonitor ang pagpapatupad ng P45 bawat kilo na maximum suggested retail price sa imported na bigas. Sinabi ni Gatchalian na malaking ginhawa para sa maraming Pilipino ang pagbaba ng presyo ng imported na bigas at ang itinakdang price cap ay positibong hakbang upang matulungan ang mga konsyumer na makaagapay sa mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin. Gayunpaman, binigyang-diin niya ang pangangailangan ng mahigpit na pagpapatupad ng panuntunan upang matiyak na epektibo itong maipatutupad sa lahat ng pamilihan.…
Read MoreNOLCOM FRONTLINERS PINAGHAHANDA SAKALING SUMIKLAB GULO SA TAIWAN
NGAYON pa lamang ay inatasan na ni Armed Forces Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. ang mga sundalo partikular ang mga kasapi ng AFP Northern Luzon Command, na maghanda sa posibleng mangyayari kabilang ang posibilidad na pagsiklab ng kaguluhan sa Taiwan. Sa pagdalo ni Gen. Brawner bilang panauhing pandangal sa ika-38 anibersaryo ng NOLCOM Camp Servillano Aquino sa Tarlac City, inihayag nitong isa sa magiging frontliner ng hukbong sandatahan ang Northern Luzon Command sakaling sumiklab ang kaguluhan sa Taiwan. “NOLCOM is our frontliner here in the Northern hemisphere. As…
Read MoreHEPE, TATLONG PULIS NG PASUQUIN MPS SINIBAK SA PUWESTO
SINIBAK kaagad sa puwesto ang tatlong pulis na sangkot umano sa viral video ng pananakit sa isang biktima sa loob mismo ng Pasuquin Municipal Police Station sa Ilocos Norte. Ayon kay Provincial Community Affairs and Development Unit acting chief Major Sheryll Guzman, kabilang din sa sinibak sa puwesto ang kanilang hepe dahil sa command responsibility. Matatandaang nag-viral ang video sa social media na pinost ng isang netizen makaraang mabidyuhan nito ang kanyang stepfather na sinasaktan ng tatlong pulis na naka-duty sa loob ng himpilan ng pulisya nitong nakaraang Marso 30.…
Read MoreGONZALES, EVARDONE INENDORSO NG PFP
INENDORSO ni PFP regional chair and outgoing Eastern Samar Gov. Ben Evardone sina Sheen Gonzales bilang kandidato sa lone congressional seat ng lalawigan at RV Evardone bilang gobernador sa May 12 midterm elections. INENDORSO ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ang kandidatura ni Sheen Gonzales para sa lone congressional seat ng Eastern Samar at Ralph Vincent “RV” Evardone bilang gobernador sa darating na May 12 midterm elections, sa ilalim ng banner “Solido para Progreso.” Pormal na inendorso ang dalawa sa proclamation rally sa Dolores, Eastern Samar, na dinaluhan ng party…
Read MoreDEKALIDAD NA TRABAHO IKINAMPANYA SA METRO MANILA NG TRABAHO PARTY-LIST NOMINEES KASAMA SI MELAI
TULOY-TULOY ang pag-iikot ng TRABAHO Party-list sa iba’t ibang lugar sa bansa upang ikampanya ang mga platapormang layong palakasin ang mga manggagawang Pilipino. Kamakailan lang ay sinuyod ng TRABAHO Party-list nominees na sina Atty. Johanne Bautista at Ninai Chavez ang mga lungsod ng Maynila, Makati, at Navotas kung saan personal nilang kinausap ang mga residente’t manggagawa sa lugar. Kasama ang celebrity advocate na si Melai Cantiveros, sinuyod din ng TRABAHO Party-list ang lungsod ng Malabon, Pasig at Caloocan kung saan ipinahayag nila ang mga isinusulong ng grupo sa pagpapaangat sa…
Read MoreKONGRESO OOBLIGAHIN SA ANTI-DYNASTY LAW
KINALAMPAG ng kilalang mga hukom at sikat na propesor sa bansa ang Korte Suprema para hilingin na atasan ang dalawang kapulungan ng Kongreso na tukuyin ang kahulugan ng ‘political dynasty’ alinsunod sa Saligang Batas. Base sa petisyon for certiorari at mandamus na isinampa sa High Tribunal, inoobliga nila ang Senado at Kamara de Representante na tukuyin ang tunay na kahulugan at kabuluhan ng political dynasty o mga politiko na nasa iisang pamilya lamang mula sa ama, ina, asawa, anak, kapatid, tiyo’t tiya, lolo’t lola. Isinampa ang petisyon nina dating Associate…
Read MorePAGKAKAHULI SA SERIAL CHILD ABUSER IKINAGALAK SA KAMARA
IKINAGALAK ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ang pagkakahuli sa umano’y serial child abuser sa Zamboanga City na isang certified public accountant at lawyer. Gayunpaman, kinukuwestyon ni House Assistant Minority Leader Arlene Brosas kung bakit umabot ng mahigit dalawang dekada bago nadakip ang suspek na si Michael Molina. “While the recent arrest of this serial child abuser is welcome, it begs the question: why must it take over 20 years before a perpetrator of this scale could be made to face justice in the Philippines?” tanong ni Brosas. Noong Marso…
Read More