PINASALAMATAN ng AKO-OFW Party-list ang United Arab Emirates government kaugnay sa ibinigay na royal clemency sa 115 Pilipino sa UAE kasabay ng pagtatapos ng Ramadan at pagdiriwang ng Eid Al-Fitr. Ayon kay 1st nominee at AKO-OFW chairman Dr. Chie Umandap, lubos siyang nagpapasalamat kay President of the UAE Highness Sheikh Mohammed bin Zayed Al Nahyan dahil patunay lamang ito na malakas at matatag ang ugnayan ng pagkakaibigan at pagtutulungan ng Pilipinas at UAE. Ani Umandap, taos-pusong ipinagmamalaki nito ang pamumuno at gobyerno ng UAE sa kanilang kagandahang-loob at pagpapahalaga sa…
Read MoreMURDER VS ANTIPOLO ROAD RAGE SUSPECT
IAAKYAT na sa murder ang kasong isasampa laban sa suspek sa nangyaring pamamaril sa Antipolo noong umaga ng Marso 31, 2025, na ikinamatay ng isa at ikinasugat ng tatlo pang biktima kabilang na ang live-in partner nito. Ayon kay Antipolo City chief of police, PLt. Col. Ryan Manongdo, ikinamatay ng biktimang si alyas “Peter” ang mga tama ng bala sa katawan at ulo nito matapos pagbabarilin ng suspek na si alyas “Kenneth.” Sinabi pa ni Manongdo, ang 28-anyos na suspek ay mahaharap sa kasong murder, 2 counts ng frustrated murder…
Read MoreKATIWALIAN, KARAHASAN SA ISABELA IMBESTIGAHAN
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) IPINARATING ng isang concerned citizen sa tanggapan ni President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa pamamagitan ng liham ang umano’y mga katiwalian at karahasan na nagaganap sa lalawigan ng Isabela. Ipinadala ang liham noong Marso 6, 2025 at naka-address kay Pangulong Marcos, may titulo itong RE: ANOMALIES OF GRAFT AND CORRUPTION OF THE ISABELA PROVINCIAL Officials. Kabilang sa kahilingan ng lumiham ay imbestigahan ang pagbagsak ng Cabagan-Santa Maria Bridge sa nabanggit na lalawigan. Matatandaang bumagsak ang isang bahagi ng nasabing tulay nang dumaan ang ilang truck makalipas…
Read MoreMARAMING SALAMAT ALEX!
KAPE AT BRANDY ni Sonny T. Mallari SA LOOB ng ilang araw nitong nakaraang buwan ay muling nagkaisa ang sambayanang Pilipino, na matagal nang nahahati dahil sa isyu ng pulitika sa bansa. Sama-samang ipinagbunyi ang kababayang si Miss Alexandra Eala sa ipinamalas niyang husay sa larong tennis sa katatapos na Miami Open sa Hard Rock Stadium sa Miami Gardens, Florida sa Estados Unidos. Pinadapa niya sina Jelena Ostapenko, Madison Keys, at ang World No. 2 tennis player na babae na si Iga Swiatek bago siya tinalo ni World No. 4…
Read MoreMMDA VS PNP, OA NA!
RAPIDO NI PATRICK TULFO MAAARING sumobra na sa pagiging brusko at nawala na sa lugar si Gabriel Go, ang head ng MMDA Special Operations Group-Strike Force, sa kanyang komprontasyon sa isang police captain sa Quezon City. Ilang buwan ko nang nasusubaybayan si Go sa YouTube, sa mga ginagawa nitong clearing operation at masasabi kong tamang-tama siya sa kanyang posisyon upang pangunahan ang kanyang grupo. Sa pagpapatupad ng batas sa kalsada, kung saan mas marami ang matatapang kahit sila ang mali, nararapat lang na isang opisyal na ‘di papaduro ang italaga,…
Read MoreMATAAS NA OPISYAL NG BI, KUMABIT SA TAUHAN?
BISTADOR ni RUDY SIM MAINIT ngayon na usap-usapan sa Bureau of Immigration ang hindi mapigilang pag-iibigan ng isang mataas na opisyal at ng kanyang talamak na fixer na kanyang tauhan, na halos dito na yumaman sa pag-fixing ng mga sensitibo at malakihang transaksyon sa ahensiya. Matapos na mabuking ng kanyang matapang na misis itong si Kume sa kanyang bagong jowa, ay tila mas pinili raw umano nito na hiwalayan ang kanyang misis at pinanindigan at ipinaglaban ang bebot nito, na ayon na rin sa post ng kanyang misis sa social…
Read MoreKARERA SA MANILA CITY HALL, ISKO TODO-BILIS ANG ARANGKADA
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA WALA na, talagang si former Yorme Isko Moreno na talaga ang mananalo sa karera sa Manila City Hall. Bakit ika nyo? Sa resulta kasi ng re-election survey nung Biyernes, Marso 28, kumubra si Yorme ng 67% voter preference, at kumakain ng alikabok ang malayong kasunod — si ‘Sam Volero Sam Verzosa (16%) at kawawang nasa pangatlo naman, si incumbent Mayora Honey Lacuna, 15% lamang ang nakuha. Sa OCTA Research mula Marso 2-6, pinakyaw na ni Isko at mga kasama sa Yorme’s Choice ang anim…
Read MoreWALA BA TALAGANG SILBI ANG NFA?
MANINIKTIK ni GREGORIO SAMAT HARVEST season ngayon sa Cagayan at iba pang mga lugar sa bansa pero imbes na masaya ang mga magsasaka dahil magkakapera sila ay naluluha na lamang sila dahil mistulang walang silbi ang Department of Agriculture (DA) at National Food Authority (NFA). Maraming magsasaka ang napipilitang magbenta ng fresh o bagong ani na hindi pa nabibilad dahil walang drying facilities subalit binabarat ng rice traders ang kanilang ani dahil binibili lang nila ito ng P14 kada kilo. ‘Yung iba naman na naka-una sa highway o kahit sa…
Read MorePAG-ARESTO KAY FPRRD PINAGPLANUHAN NG ‘CORE GROUP’
PUNA ni JOEL O. AMONGO PINAGPLANUHAN at kagagawan ng “core group” ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaya tuluyang siyang naipadala sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands kamakailan. Ito ay base sa pagsisiwalat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, at ang pag-aresto kay dating Pangulong Duterte ay isa umanong malinaw na “smoking gun”, ayon kay Senador Imee Marcos. Si Sen. Marcos ay nagpahayag ng pangamba sa tinawag niyang “planado at labag sa konstitusyon” na hakbang na ginawa ng ilang…
Read More