KUMBINSIDO ang isa sa labing isang House prosecutor ng impeachment court na mapapatunayan ang pagkakasala ni Vice President ‘Inday’ Sara Duterte-Carpio kapag nagsimula na ang pagdinig sa impeachment ng anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte (FPRRD). Lalong ganado ang katukayo ng dating pangulo na si 1-Rider party-list congressman Ramon Rodrigo ‘Rodge’ Gutierrez matapos lumabas sa isang survey na 73 porsyento ng mga Pilipino ang nagnanais sumaksi sa impeachment trial, partikular na sa pagbabanta ni VP Sara sa buhay nina Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. (PBBM), First Lady Marie Louise ‘Liza’…
Read MoreComelec sa mga pasaway na kandidato BAKLAS CAMPAIGN MATERIALS O DQ?
PADADALHAN ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato ng ‘Notice to Remove ‘ para alisin ang kanilang campaign materials na nakalagay sa mga bawal na lugar. Ilang araw bago ang campaign period ay nag-ikot si Comelec Chairman George Garcia sa Maynila kung saan maraming campaign materials ang namataan sa ilang lugar ng lungsod. Nakita niyang nagkalat pa rin ang campaign materials sa bahagi ng Honorio Lopez Boulevard at iba pang lugar na una nang nilinis ng komisyon. Dahil dito, sinabi ni Special Asst. to the Chairman, Atty. Frances Aguindadao-Arabe,…
Read MoreDENGUE OUTBREAK GUMAPANG SA 8 LUGAR
(JULIET PACOT) NAGBABALA ang Department of Health (DOH) sa posibleng pagdedeklara ng dengue outbreak sa 8 pang lugar sa bansa sa gitna ng pagtaas ng mga kaso nito sa mga nakalipas na linggo. Nauna nang nagdeklara noong Sabado ang Quezon city ng dengue outbreak. Hanggang noong Biyernes, Feb. 14 nasa 1,769 na ang may dengue sa Quezon City kung saan sampu na ang nasawi na kinabibilangan ng mga menor de edad. Nakikitaan din umano ng pagtaas ng kaso, ayon kay Health spokesperson ASec. Albert Domingo ang walo pang lugar sa…
Read MoreALVAREZ PINABUBUSALAN SA BLANGKONG BICAM REPORT?
GUSTO umanong busalan ng tatlong administration congressmen si dating House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez sa gitna ng seryosong alegasyon sa sinasabing niyang criminal act sa pagsingit umano ng mga probisyon sa mga blangkong bahagi ng 2025 General Appropriation Act (GAA). Buwelta ito ni Alvarez kina Taguig representative Amparo Maria ‘Pammy’ Zamora, Majority Leader Jose Manuel Dalipe at 1-Rider party-list congressman Ramon Rodrigo ‘Rodge’ Gutierrez na kumukuwestiyon sa motibo ng dating Speaker sa pagsampa nila ng kaso laban sa mga matataas na opisyales ng Kamara de Representante. Magugunita na bukod sa…
Read MoreONLINE SCAM LUMALA SA SIM REGISTRATION – PAOCC
MALAKING hamon sa mga awtoridad ang pagsugpo sa online scams dahil sa SIM Registration Act, ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC). Inihayag ito ni PAOCC Executive Director Undersecretary Gilbert Cruz matapos iulat ng credit rating firm na Moody’s na may Filipino entity at mga tao ang sangkot sa romance scams. Sa katunayan, nakita ang mabilis na pagsirit sa 45 noong 2024 kontra sa 10 noong 2023. “The Philippines ranked seventh globally for the highest number of entities and people with potential ties to romance scams,” ayon sa Moody’s. Aminado…
Read MoreAno’ng nangyari sa cold storage program ng DA? MARCOS SININGIL SA MULTI BILYONG ORION PROJECT
(PAOLO SANTOS) INUSISA ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) kung ano ang nangyari sa ₱3 bilyon cold storage program ng Department of Agriculture (DA) at humihiling ng agarang kasagutan at pananagutan hinggil sa Optimization and Resiliency In the Onion Industry Network (ORION) Project dahil ang pinakabagong patakaran umano sa pag-aangkat ng sibuyas ay inaasahang magdudulot ng kalituhan sa mga lokal na magsasaka. Ayon sa KMP, “nakita na natin ito noon pa—bumaba ang presyo ng sibuyas at napilitang itapon ng mga magsasaka ang kanilang ani dahil sa sobrang supply kaya ngayo’y…
Read MoreAKO OFW PARTY-LIST UMARANGKADA SA QATAR
DOHA, Qatar– Gumuhit ng kasaysayan ang AKO OFW Party-list bilang unang Philippine party-list na naglunsad ng international campaign sa ikalawang araw ng opisyal na pagsisimula ng panahon ng kampanya para sa May 2025 mid-term national & local elections (NLE). Dinaluhan ng Filipino community leaders and stakeholders ang paglulunsad sa grupo na sinabayan ng pagbabahagi ng kaalaman kaugnay ng online voting. Pormal nang ipatutupad sa Mayo ang online voting system for overseas absentee voters (OAVs) kung saan maaari nang makaboto ang mga Pinoy na nasa ibayong dagat sa pamamagitan ng kanilang…
Read MoreHUWAG NAMAN PAGHINTAYIN ANG NILILIGAWAN
NANINIKTIK ni GREGORIO SAMAT KAMING mga kalalakihan kapag nanliligaw pa lamang kami ay tinitiyak namin na mauuna kami sa lugar kung saan kami magkikita ng nililigawan namin para sa aming date para magpa-impress dahil nanliligaw ka pa lamang. Ganyan din dapat ang asal ng mga kandidato dahil nanliligaw pa lamang sila para sila ay iboto sa Mayo pero napapansin ko, hindi ‘yan nangyayari. Madalas ay pinaghihintay nila ang mga tao na kanilang nililigawan pa lamang. Noong napanood ko ‘yung video ng mga tao na hinakot daw sa administration candidate rally…
Read MoreMAG-INGAT SA PAGBOTO PARA ‘DI TAYO MAGOYO NG TRAPO NA KANDIDATO
AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS NAGSIMULA na ang kampanyahan sa national candidates noong nakaraang Pebrero 11, hanggang Mayo 10, 2025 habang mula Marso 28 hanggang Mayo 10, 2025 naman ang para sa local candidates. Kabilang sa national candidates ay party-lists at senators, ang local candidates naman ay mula congressmen, governors, vice governors, provincial boards, city mayors, city vice mayors, city councilors, municipal mayors, municipal vice mayors at municipal councilors. Ang Commission on Election (Comelec) ay naglabas ng schedule ng darating na 2025 national, local at Bangsamoro Autonomous Region in…
Read More