PANTAY NA KARAPATAN SA LAHAT, ISINUSULONG NG PAMILYA KO PARTY-LIST

ITINAAS ni PAMILYA KO party-list #150 supporter Ms. Sunshine Cruz ang kamay nina nominees Atty. Anel Diaz at Miguel “Migz” Kallos sa kick off rally nito sa Tanay, Rizal. TANAY, Rizal – Umarangkada na kahapon at nagtipon-tipon ang mga kasapi at tagasuporta ng PAMILYA KO Party-list sa Covered Court ng Brgy. San Isidro, Tanay, Rizal para sa kanilang kick off rally para sa nalalapit na eleksyon ngayong Mayo. Pinagsama-sama sa makulay na pagtitipon ang iba’t ibang mukha ng modernong pamilyang Pilipino—mula sa live-in parents, OFW families, mga biktima ng domestic…

Read More

PAMBATO NG PDP-LABAN INENDORSO NI DIGONG

PORMAL nang ipinakilala sa proklamasyon sa Club Filipino, Greenhills, San Juan City ang mga kandidato sa pagkasenador ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan o PDP-Laban. Ipinakilala bilang “Duterte Senatorial Candidates,” isa-isang nagsalita sa entablado ang mga tumatakbong senador na kinabibilangan ni dating executive secretary Vic Rodriguez at kanilang sinabi ang kanilang mga plataporma at plano sakaling manalo sa 2025 midterm elections. Sa kanyang pananalita, nanawagan si Atty. Rodriguez sa kanilang mga tagasuporta na protektahan ang 32 milyong Pilipino na bumoto kay Vice President Sara Duterte sa gitna ng reklamong impeachment…

Read More

Kapag napatalsik si VP Sara DU30 FOR PRESIDENT ULIT SA 2028

(PRIMITIVO MAKILING) MAPIPILITAN si dating Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbong muli sa pagkapangulo sa 2028 kapag napatalsik ang kanyang anak na si Vice President Sara Duterte at hindi na payagang pumasok pa muli sa pulitika. Isiniwalat ito ni dating House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez, lalo na’t hindi umano sakop ang matandang Duterte sa constitutional ban o nagbabawal na tumakbo muli ang nakaupong pangulo. Ayon kay Alvarez, tanging ang mga incumbent president lang ang pinagbabawalang tumakbo kaya maaaring kumandidato ang dating pangulo sa 2028 presidential election kapag nahatulan ng guilty ang…

Read More

Hirap matukoy dahil ‘high-tech’ na KORUPSYON SA BUWIS MAS LUMALA

(JULIET PACOT) BINANATAN kahapon ni Ex-Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen ang mga bagong estilo ng katiwalian sa buwis sa Pilipinas. Aniya, kailangan nang paunlarin ang sistema ng pagbubuwis sa bansa. Mas nagiging tuso umano at mahirap nang matukoy ang mga bagong estilo ng korupsyon, kaya’t dapat itong bantayan at labanan. Kasabay nito, iginiit niya na malaking tulong naman ang teknolohiya sa pagpapahusay ng pangangasiwa ng buwis at transparency. Tinalakay rin ni Justice Leonen ang digital na reporma sa hudikatura sa pamamagitan ng Strategic Plan for Judicial Innovations 2022-2027 at…

Read More

AKO—OFW PARTY-LIST, PASOK SA PULSE ASIA PARTY-LIST SURVEY

PASOK ang AKO—OFW party-list sa mga mananalong party-list group kung ang eleksyon ay gaganapin ngayon batay sa isinagawang survey ng Pulse Asia para sa 2025 midterm election. Dahil dito, lubos na pasasalamat ang gustong ipaabot ng AKO—OFW sa lahat ng ating mga kababayan na nagtitiwala sa naturang partido. Ayon kay 1st nominee and AKO—OFW chairman Dr. Chie Umandap, ang survey ay tinatangap lamang nila bilang inspirasyon kapalit ng kanilang pagod sa pag-iikot sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas. Hinihikayat din nito ang kanilang mga supporters na huwag magkakampante sa kanilang kampanya…

Read More

HIRAP MONG MAHALIN, PILIPINAS!

CLICKBAIT ni JO BARLIZO HABANG nagmamahalan ang presyo ng mga bilihin, huwag nating kaligtaang ipahiwatig ang pag-ibig sa isa’t isa ngayong Araw ng mga Puso. ‘Yang mahal na bilihin, masakit sa bulsa, pero ‘yang mahal na galing sa puso ay nakaliligaya. Ayan, kung nangangamba kayo sa Friday the 13th, aba, magsaya at magmahal naman kayo ngayong Friday the 14th dahil espesyal na araw ito sa mga nagmamahal, may minamahal o maging sa mga ika nga loveless. Masaya nga ba ang mga Pinoy? Batay sa resulta ng isinagawang survey ng Social…

Read More

BI OFFICIAL UMINOM NG VİAGRA, TUMIGAS ANG DILA

BISTADOR ni RUDY SIM DAHIL sa katandaan ng isang mataas na opisyal ng Bureau of Immigration at nais pa nitong mapaligaya ang kanyang batang-bata na bebot na itatago natin sa pangalang Miss Rich, ay pilit nitong pinatitigas ang kanyang pagkalalaki. Itatago natin ang opisyal sa pangalang alias “Thunder”, hindi na umano nito itinatago ang relasyon sa bente sais anyos na bebot, at madalas na sila’y makitang sweet na nagsusubuan kada tanghali sa kanyang tanggapan sa ikalawang palapag ng BI main office. Aba, kaya pala masipag itong si Sir sa fixing…

Read More

PAGPUPUGAY SA ASENSO PINOY PARTY-LIST AT KAY GOV. OAMINAL

TARGET NI KA REX CAYANONG ANG Asenso Pinoy Party-list ay matagumpay na pumuwesto sa ika-9 na ranggo sa pinakahuling Pulse Asia nationwide survey, na may inaasahang dalawang puwesto sa Kongreso. Isang malinaw na patunay ito na nagbubunga na ang pagsusumikap ng mga miyembro ng partido nitong mga nagdaang buwan. Gayunpaman, hindi maaaring maging kampante. Marami pang kailangang gawin upang mapanatili at mapalawak ang tagumpay na ito, sa layuning makamit ang maximum na tatlong puwesto sa Kongreso. Kung kaya’t patuloy ang pagkilos at determinasyon nila upang mapalapit sa layuning ito. Sa ngayon,…

Read More

PNP DAPAT PANGALANAN MGA PULIS NA NAGDAWIT SA PNP CHIEF

RAPIDO NI TULFO SINO kaya ‘yung mga pulis na sangkot sa pagdawit ng pangalan ni PNP chief, Gen. Rommel Marbil matapos na sitahin ng mga miyembro ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT), ang isang convoy na may escort na mga pulis dahil sa pagdaan sa EDSA Bus Way? Matatandaang matapos na masita ang naturang convoy at natiketan ang driver ng van, pinuntahan ng hindi pa nakikilalang mga pulis ang mga miyembro ng SAICT at sinabing pinatitigil daw di-umano ng PNP chief ang operasyon nito. Ito ay itinanggi…

Read More