HINDI na maaaring makalabas ng bansa ang 29 na pulis na isinangkot sa nasabat na 990 kilos ng shabu na nagkakahalagang P6.7 bilyon, sa Tondo, Manila noong 2022, matapos maglabas ng hold departure order o HDO, ang Bureau of Immigration (BI). Ito ay matapos katigan ng BI ang inihaing motion for issuance of hold departure order ng prosekusyon noong Enero 10 laban sa nasabing mga pulis. Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 92 sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang akusadong mga pulis.…
Read MoreDISCAYA: PASIG GAGAWING SMART CITY
NANGAKO ang negosyante na si Sara Discaya na gagawing Smart City ang Pasig City, upang maisakatuparan ang pagiging isang ‘smart, green at sustainable city’ na may ultimate goal na paghusayin ang urban quality ng pamumuhay ng bawat Pasiguenos. Nabatid na bisyon ni Discaya, nangungunang kandidato sa pagka-alkalde ng Pasig, katunggali si incumbent Pasig Mayor Vico Sotto, na hindi lamang gawing isang modern urban city ang lungsod, kundi isang “smart city” na makaaabot sa bawat komunidad, partikular na ang mahihirap na pamilyang naninirahan sa lungsod. Kabilang umano sa kanyang priority projects,…
Read MorePAGTUTURO NG MASTURBATION SA 0-4 YEARS OLD, FAKE NEWS – DEPED
NILINAW ng Department of Education na hindi saklaw ng kanilang Comprehensive Sexuality Education o CSE sa ilalim ng Department Order 31 ang pagtuturo ng masturbation sa zero to 4 years old. Sa pagdinig ng Senate committee on basic education kaugnay sa problema ng teenage pregnancies sa bansa, binigyang-diin ni Deped Assistant Secretary Dexter Galban na nag-uumpisa ang basic education sa mga limang taong gulang pataas. Binigyang-diin ni Galban na ang tanging saklaw nila ay ang school premises at hindi naman sila pumapasok sa mga tahanan kaya’t imposibleng ituro nila ang…
Read MoreBrian Yamsuan sure winner na; Goodbye Gus Tambunting!
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA SI Bicol Saro Party-list Representative Brian Raymund Yamsuan na nga ba ang tatapos sa political career ni Congressman Gus Tambunting – na maraming taon nang “saklot sa kamay” nito ang 2nd District ng Paranaque City? Usap-usapan na po kasi dear readers, sa Parañaque distrito 2 ang nalalapit na pagbagsak sa kapangyarihan ng Tambunting sa lungsod. Biruin n’yong ginagawa na lang ng mag-asawang Gus at Joy Tambunting ang distrito ng siyudad na family business at, ano ang naging pakinabang ng mga residente sa kanilang kuno…
Read MorePAGKAANTALA NG DISTRIBUSYON SA BALIKBAYAN BOXES SINASAMANTALA
RAPIDO NI TULFO SINASAMANTALA ng ilang manloloko ang pagkakaantala ng paglabas at distribusyon ng Kuwait balikbayan boxes na nakatengga pa rin sa Bureau of Customs magpahanggang ngayon. Matatandaang naibigay na ng Customs sa Department of Migrant Workers (DMW) ang “Deed of Donation” na maglilipat ng responsibilidad sa mga kahon sa naturang ahensiya. Pero nakapagtataka na wala pang inilalabas na anunsiyo ang DMW kung kailan at paano ang magiging sistema ng distribusyon ng mga kahon. Sa aming panayam kay Asst. Comm. Jeff Maronilla sa aming programa sa DZME 1530khz kamakailan lamang,…
Read More“AYUDA”
KAPE AT BRANDY ni SONNY MALLARI SUMAKABILANG-BUHAY na ang aking kaibigan na si Fr, Pedro “Pete” Montallana. Isang Franciscanong pari na itinuturing kong gabay sa lubusan kong pag-unawa sa bulubundukin ng Sierra Madre sa kahabaan ng Luzon. Siya rin ang nagmulat sa akin sa pamumuhay at patuloy na pakikibaka ng mga katutubong Agta-Remontado-Dumagat para mabigyang proteksyon ang kanilang lupaing ninuno sa hilagang bahagi ng lalawigan ng Quezon laban sa pangwawasak ng mga magtotroso at mapanirang proyekto ng pamahalaan. Ang pagkamatay ng 75-taong-gulang na pari ay iniulat ni Bishop Bernardino Cortez…
Read MoreOFW PINAGHUBAD BAGO PINATALSIK NG AMO
AKO OFW ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP DUMULOG sa tanggapan ng AKO-OFW-SAKSI ang overseas Filipino worker na si Erma Duarte. Ito’y upang humingi ng tulong para makauwi na lamang ng Pilipinas. Sa ipinadalang impormasyon ni Erma, siya ay nagtatrabaho bilang domestic helper o kasambahay sa Saudi Arabia. Umalis siya ng Pilipinas noong September 23 at dumating sa Saudi sa kanyang agency noong September 24. Hiling ni Erma na makauwi na lamang ng Pilipinas dahil naiipit siya sa kanyang tinutuluyan ngayon, aniya hindi niya kasi maisip kung ano ang dahilan ng…
Read More9 PANG PULIS NA SABIT SA 990 KILOS DRUG HAUL, TARGET NG PNP
SIYAM pang pulis na kabilang sa 29 na mga aktibo at dating pulis, ang nanatiling target ng manhunt operation ng Philippine National Police matapos na ipag-utos ng Manila Regional Trial Court ang pagdakip sa kanila kaugnay sa pagkakadawit sa P6.7-billion drug haul sa Tondo, Manila. Ayon kay PNP spokesperson BGen. Jean Fajardo kahapon, sa 29 active at dating pulis na pakay ng arrest warrant na inilabas ng Manila RTC Branch 175, dalawampu na ang nasa kustodiya ng Philippine National Police. Sampu rito ang hawak ng iba’t ibang arresting units, siyam…
Read MorePCG PATULOY NA ITINATABOY CHINESE VESSELS SA WPS
PATULOY na naitataboy ng Philippine Coast Guard (PCG) ang malalaking sasakyang pandagat ng China sa West Philippine Sea. Kasunod ito ng pahayag ng PCG na wala sa kanilang bokabularyo na magpatakot o magpatinag sa mga monster ship ng Chinese Coast Guard (CCG). Sinabi ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG sa WPS, sa gitna ng iligal na pananatili ng malalaking sasakyang pandagat ng China sa loob ng teritoryo ng ating bansa, wala sa kanilang hinagap na dagain, kahit pa mas maliit na barko ang kanilang BRP Cabra, patuloy aniya nitong…
Read More