PROSPERITY TREE LIGHTING SA MAYNILA

MASAYANG ipinagdiwang ang tradisyunal na “Prosperity Tree Lighting sa Plaza San Lorenzo Ruiz nitong Biyernes, Enero 24, 2025 sa Binondo, Manila. Ito ang opening salvo sa pagsalubong ng Chinese New Year 2025 sa distrito ng Binondo, Maynila, ang pinakamatandang Chinatown sa mundo. Ang mga Manilenyo ay nakatakdang salubungin ang ‘Year of the Snake’ na may masiglang pagdiriwang na inorganisa ng Lungsod ng Maynila, Manila Chinatown Development Council (MCDC), Department of Tourism, Culture and Arts of Manila ( DTCAM) at ang Manila Chinatown Barangay Organization (MCBO). Sa inspirational talks ni Mayor…

Read More

PAGTUTURO NG LIGTAS AT WASTONG PAGGAMIT NG INTERNET, ISINUSULONG SA SENADO

ISINUSULONG ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang panukalang naglalayong gawing bahagi ng curriculum sa elementarya hanggang high school ang responsableng paggamit ng internet. Sa Senate Bill 2934 o ang proposed Internet Safety Education Act, minamandato ang Department of Education na bumuo ng age-appropriate at research-based na programa. Para sa edukasyon ng mga mag-aaral ukol sa ligtas, ethical at responsableng paggamit ng internet at ukol din sa pagtugon sa mga problema at panganib sa internet. Pinapopondohan naman ang professional training ng mga elementary at secondary teachers gayundin ang school…

Read More

16 KILO NG SHABU HULI NG PDEA SA CARAGA

TINATAYANG nasa P108 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency Region XIII (PDEA RO XIII), katuwang ang iba pang law enforcement agencies sa isinagawang anti-narcotics operation na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang hinihinalang big time drug dealer sa Caraga Region. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, nasa 16 kilo ng shabu ang nakuha sa dalawang suspect matapos ang ikinasang buy-bust operation. Ayon sa ulat, bandang alas-6:40 ng umaga kahapon naisakatuparan ng PDEA RO13…

Read More

DAULAH ISLAMIYAH MEMBER, NAPATAY NG MILITAR

ISANG kasapi ng Daulah Islamiyah – Maute Terror Group ang napatay matapos na magkasunod nilang makasagupa ang mga tauhan ng Philippine Army sa Brgy. Kalangan, Piagapo sa Lanao del Sur. Ayon sa ulat ng Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command (AFP – WESMINCOM), unang naka-engkwentro ng mga terorista ang tropa ng Army 8th Scout Ranger noong Sabado na tumagal ng 15 minuto at nakasagupa rin nila ang tropa ng 44th Infantry battalion. Nakuha mula sa napatay na miyembro ng teroristang grupo ang matataas na kalibre ng armas gaya…

Read More

ICC WALANG PUWANG SA PH – ATTY. RODRIGUEZ

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) TUTOL si dating executive secretary at ngayon ay senatorial aspirant na si Atty. Vic Rodriguez sa anomang pakikialam ng International Criminal Court o ICC sa Pilipinas. Sa Sukatan ng Senatorial Aspirants Para Sa 2025 Midterm Elections na umere sa SMNI noong Sabado, sinabi ni Atty. Rodriguez na hindi niya kinikilala ang hurisdiksyon ng ICC. “Hindi ako sang-ayon, at hindi ko rin kinikilala na may hurisdiksyon ang International Criminal Court dito sa ating bansa. Bukas po ang lahat ng baytang–bukas lahat ng antas ng ating korte,” aniya.…

Read More

KAMARA PUMIYOK NA SA 2025 BUDGET CONTROVERSY

BINASAG na ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pananahimik sa kontrobersyal na 2025 national budget na kinuwestiyon dahil sa mga blank item sa bicameral conference committee report. “The 2025 General Appropriations Act is lawful, valid, and fully enforceable. There are two key points I want to stress for the benefit of all,” ani acting House committee on appropriations chairperson at Marikina Rep. Stella Quimbo. Una dito, ayon sa mambabatas na pansamantalang pumalit sa tinanggal na chair ng komite na si Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co, kumpleto at…

Read More

HIGIT 28,000 GOV’T ASSETS ISASAPRIBADO NG MARCOS ADMIN

TINATAYANG mahigit 28,000 non-performing assets ng gobyerno ang ililipat sa Privatization Management Office (PMO) para isapribado para palakasin ang ‘government streams’ ng administrasyon. Sinabi ng Department of Finance (DOF), sa kasalukuyan, may 28,665 non-performing assets ang nailipat na sa PMO, attached office nito na umaakto bilang marketing arm ng pamahalaan pagdating sa transferred assets, government corporations, at iba pang properties na ililipat ng Privatization Council (PrC). Ang DOF Secretary ang tatayong chairman nito habang ang mga kalihim ng Department of Budget and Management (DBM), Trade and Industry (DTI), National Economic…

Read More

KAYA DAPAT TUMAYO SA SARILING PAA ANG PINOY

DPA ni BERNARD TAGUINOD KUNG mayroong aral na dapat matutunan ang Pilipinas sa pagpapatigil ni United States (US) President Donald Trump sa pagtulong sa mga bansa at maging ang pagkalas nito sa World Health Organization (WHO), ay kailangang tumayo tayo sa ating sariling paa. Panahon na para hindi na umasa sa mga tulong ng ibang bansa tulad ng Amerika, pagdating sa pangangailangan ng military, imprastraktura, kalusugan at iba pa upang kapag tinopak o may topak ang mahahahal na pangulo ng mga bansang tumutulong sa atin, ay hindi tayo aaray. Malaki…

Read More

TIBAY NG DIBDIB NG PILIPINO

At Your Service Ni Ka Francis DAHIL sa tibay ng dibdib ng mga Pilipino, kahit saan mo sila ilagay ay kaya nilang mabuhay. Ito ang ipinagmamalaki ng lahi ni Juan dela Cruz, kahit saan mang sulok ng mundo sila mapunta. Bagama’t maliit lang na uri ng tao ang mga Pilipino, ang minimum na taas ng kalalakihan ay nasa 5″5′, samantala ang kababaihan ay nasa 5″2′ lang, ay hindi naman dito nasusukat ang kanilang kakayanan. Maituturing na pinakamaliit na lahi ng tao ang mga Pilipino, pero punong-puno naman sila ng kaalaman…

Read More