LTOP SUPORTADO TRANSPORT MODERNIZATION

SUPORTADO ng Liga ng Transportasyon at Operators ng Pilipinas (LTOP) ang Public Utility Vehicles Modernization Program ng pamahalaan na malaki anila ang maitutulong sa pagpapagaan ng trapiko sa Metro Manila. Ibinida rin ni LTOP chairman Orlando Marquez ang kanilang rehabilitated traditional jeepney sa Department of Transportation(DOTr) sa Evangelista, Pio del Pilar, lungsod ng Makati. Naniniwala ang grupo na posibleng maging mala-Singapore ang pagluluwag ng trapiko sa Kamaynilaan sa pamamagitan ng modernization. “Kami po ay nakasuporta dito sa modernization na ito dahil nga po na gusto natin na mai-transfer naman iyong…

Read More

BANGSAMORO ISLAMIC ARMED FORCES, KINONDENA PANANAMBANG SA MGA SUNDALO

MILITARY TAKEOVER

HINDI pinalagpas ng pamunuan ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ang pananambang ng grupo ng lawless elements kamakailan sa Basilan na ikinamatay ng apat katao kabilang ang dalawang sundalo ng Philippine Army. Sa inilabas na pahayag ni Sammy Al Mansoor, BIAF-MILF chief of Staff, mariin nilang inihayag na kanilang kinokondena ang trahedya at walang kabuluhang karahasang nangyari noong Enero 22, 2025 sa Lower Cabengbeng, sa bayan ng Sumisip, lalawigan ng Basilan na ikinamatay ng dalawang sundalo at ikinasugat ng pitong iba pa. Nakikiramay din ang BIAF sa pagkamatay ng dalawa nilang…

Read More

CONVENIENCE STORE HINOLDAP NG ARMADO NG BARIL, ITAK

CAVITE – Pinosasan ang dalawang empleyado ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo at tinangay ang P11,500 cash ng isang convenience store sa Bacoor City noong Sabado ng umaga. Ayon sa ulat, dakong alas-6:25 ng umaga nang pumasok ang mga suspek sa nasabing convenience store sa Magdiwang Road, Brgy. Molino 2, Bacoor City, na tiyempong walang customer, at agad nagdeklara ng holdap. Tinutukan ng isa sa mga suspek ng baril ang empleyado na si “Ela Mae” habang itak naman ang itinutok ng isa pang suspek sa empleyadong si “Angelica”, inutusan na…

Read More

HOSTAGE TAKER NG ANAK SA TAYTAY SUMUKO

SUMUKO sa mga awtoridad ang 26-anyos na driver at construction worker ini-hostage ang sariling anak noong Sabado ng gabi sa C6 Road, Lupang Arenda, Brgy. Sta. Ana sa Taytay, Rizal. Ayon kay PCol. Felipe Maraggun, provincial director ng Rizal PNP, kinilala ang suspek na si alyas “Vin,” tubong Guinayangan, Quezon, habang ang anak ay kinilalang si alyas “Athena,” isang taon gulang. Sinabi ni Maraggun na nagsimula ang hostage drama dakong alas-7 ng gabi at tumagal ng mahigit 2 oras na nagdulot ng matinding traffic na umabot hanggang C-6 sa Taguig…

Read More

HOUSE LEADERS NAWALA ANGAS SA ‘BICAM SCAM’

NAKABIBINGI ang katahimikan ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso hinggil sa isyu ng blankong items sa bicameral conference committee report sa 2025 national budget na tinawag ni dating Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez na “BiScam o Bicam Scam. Unang hiningan ng reaksyon ng mga mamamahayag si dating House committee on appropriations chairman at Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co hinggil sa isiniwalat nina dating pangulong Rodrigo Duterte, Davao City Rep. Isidro Ungab at Rodriguez subalit hindi ito sumasagot. Si Co ay tinanggal bilang chairman ng nasabing komite noong Enero…

Read More

ATTY. VIC RODRIGUEZ: KAILANGAN MAY MANAGOT SA BLANK BICAM REPORT

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) DAPAT habulin at papanagutin ang mga nasa likod ng blankong bicameral conference committee report sa 2025 national budget. Ayon sa senatorial aspirant na si Atty. Vic Rodriguez, kailangan may managot sa nasabing usapin dahil maaaring magdusa ang mga Pilipino. Kaya naman may mga grupo na aniyang naghahanda para iakyat sa Korte Suprema ang isyu. “Inaaral na ‘yung challenge na dadalhin sa Korte Suprema dahil unconstitutional ang 2025 budget dahil nga ‘yung pinakita ni [dating] Pangulong Duterte na bakante, bungi-bungi sa bilyong-bilyong pisong halaga nung final bicameral…

Read More

17 HOSTAGE PINOY SEAFARERS, 2 BESES DINALAW NG ICRC

IKINAGALAK ng pamunuan ng International Committee of the Red Cross (ICRC) na kapiling na ngayon ng kani-kanilang pamilya ang 17 Filipino seafarers na mahigit isang taong hostage sa Yemen. “We share the joy in this news, as the seafarers finally reunited with their families after more than one year,” ani Johannes Bruwer, pinuno ng ICRC delegation sa Pilipinas. Inihayag din nito na sa dalawang pagkakataon ay binisita ng mga kinatawan ng ICRC ang 25 seafarers na kinabibilangan ng 17 Filipino seafarers. “As a neutral humanitarian organization, the ICRC, through its…

Read More

Malakanyang todo-iwas KONGRESO IDINIIN SA ‘BLANK’ BICAM REPORT

(CHRISTIAN DALE) TILA isinalba ng Malakanyang ang sarili nang sabihing hindi ito responsable at wala itong pananagutan sa sinasabing “blank” entries sa 2025 national budget. Hinamon kasi ni Davao City Rep. Isidro Ungab ang Malakanyang na dalhin sa Korte Suprema ang usapin sa sinasabing blank items sa 2025 General Appropriations Act (GAA). Bilang tugon, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa press briefing sa Philippine International Convention Center sa Pasay City na ginagalang niya si Ungab at iba pang personalidad na may planong dalhin ang usapin sa Korte Suprema. Giit…

Read More

China nambarako na naman NAKASISILAW NOON, NAKABIBINGI NGAYON

KUNG noon ay gumagamit ang China Coast Guard ng nakabubulag na military type laser beam, ngayon naman ay gumamit naman sila ng nakabibinging ingay para lamang balasubasin ang mga tauhan ng mga sasakyang dagat ng Pilipinas na nagpapatrulya sa nasasakupan ng Exclusive Economic Zone ng bansa. Ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard, sa kauna-unahang pagkakataon ay gumamit ang China ng Long Range Acoustic Device (LRAD) para lamang i-harass ang mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Ayon sa PCG, karaniwan kasing gumagamit ang China ng water cannons at…

Read More