PAGHAHATI SA CALOOCAN, MAGUINDANAO AT BULACAN, APRUB NA SA SENADO

INAPRUBAHAN na ng Senado sa third and final reading ang mga panukala para sa paghahati ng Caloocan, Maguindanao at Bulacan.

Sa botong 19-0, inaprubahan ng mga senador ang House Bill 7700 o ang panukalang hatiin sa dalawang distrito ang District 1 ng Caloocan City.

Sa kasalukuyan, dalawa lamang ang distrito ng Caloocan City na may 70 barangay sa unang distrito habang 118 na barangay sa pangalawang distrito.

Sa datos, Sa mahigit 1.5 milyong populasyon ng lungsod, 75 porsyento nito ay nasa unang distrito.

Inaprubahan din ng mga senador sa botong 22-0 ang House Bill 6413 o ang paghahati sa Maguindanao at gagawing Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.

Kung tuluyang magiging batas, magiging saklaw ng Maguindanao del Norte ang Barira, Buldon, Datu Blah Sinsuat, Datu Odin Sinsuat, Kabuntalan, Matanog, Northern Kabuntalan, Parang, North Upi, Sultan Kudarat, Sultan Mastura, at Talitay.

Ang Maguindanao del Sur naman ay bubuuin ng Ampatuan, Buluan, Datu Abdulla Sangki, Datu Anggal Midtimbang, Datu Hoffer Ampatuan, Datu Montawal, Datu Paglas, Datu Piang, Datu Salibo, Datu Saudi Ampatuan, Datu Unsay, Gen. Salipada K. Pendatun, Guindulungan, Mamasapano, Mangudadatu, Pagalungan, Paglat, Pandag, Rajah Buayan, Sharif Aguak, Sharif Saydona Mustafa, Sultan sa Barongis, Talayan, at South Upi.

Inaprubahan din ng Senado ang House Bill 6867 or ang paghahati sa Bulacan sa anim na legislative districts.
Kapag naisabatas ang panukala, bahagi ng District 1 ng lalawigan ang Calumpit, Hagonoy, Paombong, Pulilan, Bulakan at Malolos; District 2 naman ang Baliuag, Bustos at Plaridel; District 3 ang San Ildefonso, San Miguel, San Rafael at Dona Remedios Trinidad; District 4 ang Obando, Marilao at Meycauayan; District 5 ang Guiguinto, Balagtas, Pandi at Bocaue; at District 6 ang Sta. Maria, Norzagaray at Angat. (DANG SAMSON-GARCIA)

170

Related posts

Leave a Comment