PAGTATALAGA KAY GIERRAN SA PHILHEALTH PINABORAN

PINURI ni dating Presidential Anti-Graft chair Atty. Nicasio Conti ang ginawang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Dante Geirran bilang bagong presidente ng Philippine Health Insurance Corp., kung saan sinabi niyang wala nang ibang mas mainam na tao na maaring mag-‘disinfect’ sa ahensya na nababahiran ng korapsyon.

Dagdag ni Conti, na nagsilbing commissioner sa Maritime Industry Authority (Marina), kaya ng dating NBI director na linisin ang imahe ng PhilHealth, na sentro ngayon ng mga imbestigasyon dahil sa mga akusasyon ng malawakan at ‘systematic corruption.’

“President Rodrigo Duterte has chosen the right man for the job. With the track record of now PhilHealth President Dante Geirran, he can surely ‘disinfect’ the agency especially in this critical period of the pandemic brought about by COVID-19,” sinabi ni Conti.

Si Geirran ang nanguna sa pag-aresto kay Datu Blah Sinsuat Mama Jr. na nag-misrepresent na malapit umano sa dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Nailigtas din ni Gierran ang 158 na batang babae na biktima ng large-scale illegal recruitment, at nagresolba sa pagnanakaw sa P100 million na halaga ng Treasury Bills noong 1990.

Pinalitan ni Gierran, 65, si Ricardo Morales, isang retiradong Army general, na pinag-resign ni Pangulong Duterte. (CATHERINE CUETO)

118

Related posts

Leave a Comment