IPINARATING sa akin ng ating kasamang Βvolunteer advocate na si Aiysha Consuelo ang panawagan ng isang mister para sa kanyang asawa na isang OFW sa Riyadh, Saudi Arabia.
Ayon kay John Paul Balcita, ang kanyang asaΒwa na si OFW ΒRubylin Natura ay nagtungo sa Riyadh, Saudi Arabia noong Enero 9, 2019 sa pamamagitan ng Star World Agency. Sa simula pa lamang ng kanyang pagdating sa kanyang employer ay tila hindi na ito naging maayos dahil makalipas lamang ng ilan buwan, siya ay iniΒlipat na agad sa kanyang ikalawang employer sa Dammam, Saudi Arabia.
Dito na nagsimulang magsumbong sa kanya ang kanyang asawang si Rubylin na sinasabi nitong siya ay minamaltrato ng kanyang employer.
Makalipas ng ilang lingΒgo mula nang ito ay magsumbong ay tuluyan na itong hindi nakausap ng kanyang asawa dahil ang kanyang telepono ay hindi na natatawagan.
Idinagdag pa ni John Paul, “Ibenenta po si Misis ng unang amo n’ya, medyo ok naman po nung una pero noong nagtagal na po ay hindi na maayos ang pasahod at sinasaktan na rin po hanggang humingi kami ng tulong sa Agency n’ya sa Maynila, tapos wala naman pong aksyon.
Ngayon naman po sabi ng amo noong June 27, 2021 ay nag-run away raw si misis. Halos magdalawang buwan na, hindi po ako naniniwala na nag-run away ang misis ko dahil hanggang ngayon po ay wala pa kaming balita sa kanya, mag-2 months na po”.
Labis ang pag-aalala ni John Paul sa tunay na kalagayan ni Rubylin kung kaya siya ay nakikiusap sa ating Philippine Embassy at sa Overseas Workers Welfare Association na siya ay matulungan na mahanap ang kanyang asawa na matagal na nilang hindi nakakausap.
Gayundin, ang AKOΒOFW ay nakikiusap sa lahat ng mga OFW na nakakakilala kay ΒRubylin Natura na kung maaari ay ipagbigay-alam lamang sa OWWA sa Riyadh o maging sa aking personal na Facebook account na “Chie Umandap” sakaling may nalalaman sila sa kinaroroonan ni Rubylin.
Samantala, nagpaΒdala rin ng mensahe sa AKOOFW si OFW Teresa Tibor upang siya ay Βmatulungan na makauwi na sa Pilipinas dahil umano ay nanghihina na ang kanyang katawan at laging sumasakit ang kanyang ulo. Inirereklamo niya ang sobra-sobrang pagod sa pagtatrabaho kung kaya tuluyan nang bumabagsak ang kanyang kalusugan. Kahit sa panahon na siya ay may karamdaman ay pilit pa rin siyang pinagtatrabaho ng kanyang amo.
Si Teresa ay nasa Madinah, Saudi Arabia simula pa noong ΒDisyembre 3, 2018. Tapos na ang kanyang kontrata sa kanyang amo, ngunit ayaw pa rin siya nitong pauwiin sa ating bansa. Nakikiusap si Teresa sa kanyang ahensya na MECPREGO Agency na tulungan siyang makaΒuwi sa Pilipinas upang kanyang makapiling na ang kanyang pamilya at makapagpagamot ng kanyang karamdaman.
311 