PARTIAL NA PAGBUBUKAS NG MM, POSIBLE SA MODIFIED QUARANTINE

NAGPAHIWATIG na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maaari niyang buksan ‘partially’ ang Metro Manila sa ilalim ng modified community quarantine.

Ang pakiusap naman ng Pangulo sa kanyang public address, Lunes ng gabi, Abril 27 ay hintayin lang ang guidelines para rito.

“We might open partially, construction workers things like that. You wait for the… lalabas na po yung modified,” ayon sa Punong Ehekutibo.

Modified quarantine aniya para payagan at masiguro na ang sektor ng lipunan ay hindi talaga magdikit-dikit.

“Kaya modified muna eh kasi kung magsiksikan kayo diyan sa LRT na naman, wala nang katapusan ang problema natin. It will never end,” ayon kay Pangulong Duterte. CHRISTIAN DALE

202

Related posts

Leave a Comment