PBBM, SENADOR, KONGRESISTA MULING IDINIIN SA MALETA SCANDAL

INULIT ng 18 dating Marines sa Senado ang mga nauna nilang inilabas na alegasyon kaugnay sa pagdedeliber umano nila ng male-maletang pera sa ilang personalidad mula kay dating Cong Zaldy Co.

Sa isinagawang pagdinig ng Cayetano-bloc Blue Ribbon Committee, pinangalanan ng 18 dating Marines sina dating House Speaker Martin Romualdez at Pangulong Bongbong Marcos gayundin sina Senators Vicente Tito Sotto III at Senador Erwin Tulfo.

Kasama rin sa mga binanggit na nakatanggap ng maleta sina Congressmen France Castro, Raul Manuel, Arlene Brosas, Leila de Lima, Sandro Marcos, Paulo Ortega, Joseph Paduano, Stella Quimbo, Jayjay Suarez at Benny Abante.

Ang mga maletang hinahatid anila ay small, medium, large.

Ang small na maleta umano ay naglalaman ng P20 to P25 million, ang medium na maleta ay naglalaman ng P40-P50 million at ang large na maleta ay P50-P70 million.

Sinabi pa na tatlong beses sa isang linggo sila naghahatid ng kickback sa ilang mga opisyal ng gobyerno bukod kina Romualdez at Marcos.

Binanggit din ng mga ito si dating PNP Chief General Nick Torre na hinimok sila na huwag nang magsalita at ang inalok ay isang iphone 16e na 128GB.

Samantala, nausisa naman ni Senator Imee Marcos kung saan sa Ilocos hinahatid ang kickback at sinabi ng isang dating sundalo na nakita nila ang mga larawan ng pamilyang Marcos.

Malaking Kasinungalingan

Itinuturing naman na malaking kasinungalingan nina Senators Erwin Tulfo at Vicente Tito Sotto III ang alegasyon ng mga dating sundalo na dinalhan sila ng male-maletang pera.

Sinabi ni Tulfo na sa sobrang daming kasinungalingan ay mismong ang dating sundalo ay litong-lito.

Samantala, binanggit ni Sotto na hindi pa senador noong 2022 hanggang 2025 o sa panahong sinasabing dinalhan siya ng pera bukod pa ang staff na binanggit ay namatay na noon pang 2015.

Nanindigan naman ang SB11 plus 1 na bogus ang ginawang hearing ng Cayetano bloc Blue Ribbon na naglalayon ng destabilisasyon.

63

Related posts

Leave a Comment